Chapter 10
Iyon ang kauna-unahang beses na tinawag ni Francis si Mara sa pangalan niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ni Mara kung paano sinabi ni Francis ang pangalan niya. Kung hindi pa nakita ni Mara na gumalaw ang bibig ni Francis, hindi maniniwala si Mara na sinabi nga nito ang pangalan niya. Parang ang gandang pakinggan ng pangalan niya sa bibig ni Francis. At, surprising herself, parang gusto ulit marinig ni Mara ang pangalan niya na binabanggit ni Francis.
Kumakain sila ng pananghalian. Habang kumakain si Francis, pasulyap-sulyap si Mara ng tingin sa kanya na parang naghe-hesitate magsalita.
“F-Francis…” sabi ni Mara matapos ang matagal na pag-iisip.
“Bakit?” sagot ni Francis, habang kumakain, na hindi tumitingin kay Mara.
“Yung… kagabi…”
Napatigil si Francis. Hindi niya inaasahan ito. Pero he kept cool at nagpatuloy lang sa pag-kain na parang hindi siya naba-bother.
“Yung sinabi mo sa akin,” patuloy ni Mara. “Totoo ba yung mga sinabi mong iyon?”
Hindi sumagot si Francis. Hindi siya nagpakita ng pagiging anxious kahit na sobrang naiipit na siya sa sitwasyon niya. Nag-iisip siya ng pwedeng isagot.
“Francis, totoo ba?” sabi ulit ni Mara na medyo nilakasan na ang boses.
Nag-isip ng mabilis si Francis. “Alin ba dun?”
“Ito naman o,” sabi ni Mara na parang nababanas na sa kauulit ng sinasabi niya. “Yung kagabi? Nung kumakain tayo sa labas ng hatinggabi…!”
“Marami akong sinabi noh!” palusot ni Francis. Pinagdarasal niya na sana makulitan si Mara at hindi na ipilit ang topic na iyon. Nahihiya siya sa sinabi niya, although he meant it. Wala naman kasi siyang pang-back up sa sinabi niya. Hindi niya alam kung kailan ba nagkaroon ng halaga sa kanya si Mara.
Napabuntong-hininga si Mara. Hindi niya gustong sabihin ng diretso kay Francis pero naiinis na siya.
“Yung sinabi mong hindi ako balewala sayo!”
Napatigil si Francis. It felt weird na marinig ulit ang mga sinabi niya kay Mara.
“Ah. Y-yun ba…?” Nag-isip sandali si Francis. Si Mara, na naiinis na sa hindi pagsagot ni Francis, ay napataas na ang boses,
“Ano, totoo ba?”
“O-oo naman!” He made a quick thinking on his mind at napangiti na lang siya bigla sa naisip ng magaling niyang utak. “Mahalaga talaga sa akin ang housekeeper ko. Sino na lang ang magluluto para sa akin kung wala ka?”
Napatitig lang si Mara kay Francis na parang ito ang first time niyang marinig magsalita si Francis. “Mahalaga lang ako sayo dahil… ako ang nagluluto para sayo?” hindi makapaniwalang tanong ni Mara.
“Oo. Bakit, ano ba ang iniisip mo?” sagot ni Francis. Nakita niya ang expression ni Mara na parang naguluhan at hindi makapaniwala. At para masigurado niyang hindi na ulit magtatanong si Mara tungkol sa topic, nang-asar siya,
“Ikaw kasi e. Kung anu-ano pinag-iisip mo. Kaya ka nagkakaganyan e.”
“Manahimik ka nga!” sigaw ni Mara.
Napangiti si Francis sa sarili niya dahil nagwo-work out ang plano niya. “O bakit na naman ba naba-badtrip ang housekeeper ko?”
Nainis si Mara. Nilapag niya ng malakas ang kutsara niya sa dining table na naging sanhi kung bakit nanginig ang table.
“Bahala ka nga sa buhay mo!” Kahit hindi pa tapos kumain ay tumayo na si Mara. “Nawalan na ako ng gana…. Ikaw ang maghugas ng lahat ng ito a!”
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Teen FictionThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...