Chapter 5

256 1 0
                                    

Chapter 5

Hanggang ngayon (isang linggo na ang nakalipas), kahit anong pilit ni Francis kay Mara, hindi pa rin sinasabi nito ang ibig sabihin ng sinabi niya. Ni hindi sinasabi nito kung ano ang linggwaheng iyon. Hanggang sa sigawan na siya ni Mara at pinalabas ng kusina.

Kaya ngayon, nasa sala lang si Francis, nanunuod ng TV.

Habang nanunuod ng mga reruns ng American sitcoms, na-realize niyang napanuod na niya ito lahat at wala na siyang mapanuod na bago. Kaya naman pinatay na niya ang TV at napabuntong-hininga out of boredom.

Maya-maya ay lumabas na si Mara ng kusina.

“Housekeeper, may cards kayo?” tanong ni Francis.

“Meron ata. Bakit?”

Napangiti si Francis. “Tong-its tayo.”

* * * * *

“Na-gets mo na?”

Nakaupo silang dalawa sa sahig habang nakakalat ang cards sa harap nila. Nakasimangot si Mara habang ina-absorb ang mechanics ng game.

“Bakit alam mo ito?” tanong ni Mara. “Diba dapat mga sosyal na games ang alam mo tulad ng Poker…”

“Mahirap ituro yun e. Mas madali ito,” sagot ni Francis habang gina-gather ang cards at binalasa ito.

Nakasimangot si Mara habang patuloy na binabalasa ni Francis ang cards.

“O game na a,” sabi ni Francis. “Ilang beses ko nang inulit sayo ‘to kaya gets mo na…”

“Teka,” sabi bigla ni Mara. Napatingin si Francis sa kanya. Ngumiti naman si Mara sa kanya. “Kapag nanalo ako, gagawin mo lahat ng gusto kong gawin mo, ok?”

Napangiti si Francis at natawa na lang sa sarili niya. Ilang beses na niyang nilalaro ito kaya ang isang tulad ni Mara na beginner ay hindi siya matatalo. “Call.”

Ngumiti si Mara confidently. “Ibalasa mo na.”

* * * * *

Ang larong Tong-its ay paubusan o paliitan ng card. Ang pinakamataas na halaga ay Ace of Diamonds habang ang pinakamababa naman ay ang 2 of clovers.

Napatingin si Francis sa hawak na card ni Mara. Dalawa ang hawak nitong card habang siya ay isa lang, 5 of spades. Ibinaba na niya ang card.

“O 5 of spades,” Francis smiled mockingly. “Anong iyo?”

Tinignan ni Mara ang card ni Francis na parang nag-aalangan. Lalong lumakas ang loob ni Francis. “Sige na. Pakita mo na. Ok lang yan…”

Binaba na ni Mara ang card niya at nagulat si Francis dito; isang 2 of spades at isang 2 of hearts. Hindi makapaniwala si Francis. “A-akala ko tinira mo na yan kanina…”

Ngumiti si Mara ng nakakaloko. “Akala mo lang yun…”

“Paano mo nagawa yun? Akala ko tinira mo na yan kanina…”

Pinakita ni Mara ang kamay niya at nag-wiggle ng fingers. “Mabilis kamay ko.”

“Hindi. Beginner’s luck lang yan,” sabi ni Francis.

Natawa si Mara. “Aminin mo na, mokong. Talo ka.”

* * * * *

 “Baka mamaya niyan, masugatan ulit ako a.”

Nasa kusina si Mara at Francis. Si Shasha ay nakahilata sa isang tabi sa kusina, pinapanuod ang dalawa.

Pinakita ni Francis kay Mara ang sugat niya sa daliri na ngayon ay isang faint brown line. “Kaka-galing lang ng sugat ko o.”

My One and Only HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon