Chapter 33

184 3 0
                                    

Chapter 33

Si Mara ay tahimik lang na nakaupo sa mga plastic chairs sa may waiting area habang si Francis naman ay nakasandal sa may pader, hindi mapakali. Sasandal siya pero maya-maya ay maglalakad-lakad. Siya ang may kasalanan kung bakit nagkaganito si Cindy. Sa sobrang galit niya, hindi niya nakita na hindi na makahinga si Cindy.

Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ni Francis ngayon. May sakit ba si Cindy? Gaano kalala? At… bakit hindi siya ang ama ni Mikee?

Napalingon si Francis nang magbukas ang automatic sliding doors ng emergency room. Sinundan niya si Mara na mas nauna sa kanyang makalapit sa doktor.

“Kayo ba ang kasama ni Ms. Lee sa pagpunta dito?” tanong ng doktor.

“Opo,” sagot kaagad ni Mara. “Ako din po ang kasama niya nung last time.”

Napatingin si Francis kay Mara. Ibig sabihin, hindi ito ang unang beses na na-ospital si Cindy?

Napatingin ang doktor kay Francis. “Ikaw ba ang… fiancée ni Ms. Lee?”

Hindi kaagad nakasagot si Francis. Para bang hindi niya naintindihan ang sinabi ng doktor.

“Opo. Siya nga po…” mahinang pagkasabi ni Mara.

“Well,” sabi ng doktor kay Francis. Napabuntong-hininga siya bago nagpatuloy, “mas mabuting malaman mo na. Mayroong coronary heart disease si Ms. Lee na namana niya sa kanyang ina. Ang ibig sabihin nito, yung mga arteries na nagdadala ng dugo sa heart ay nagiging masikip kaya nahihirapan ang puso niya. At… I’m unhappy to say pero hindi natin alam kung kailan pwedeng mag-fail ang puso niya. It can be anytime…”

* * * * *

Narinig ni Cindy ang dalawang beses na katok sa pinto niya.

“Mara?” sagot ni Cindy sa katok.

“Hindi.” Bumukas ang pinto at sumilip si Francis sa kwarto.

Hindi nakasagot si Cindy. Pumasok si Francis at umupo sa isang plastic chair na nasa tabi ng kama ni Cindy.

Sandali silang hindi nag-uusap. Parang iniintay ang isa na may magsalita. Pero maya-maya ay si Francis na ang naglakas-loob na magsalita,

“Ayoko sanang i-pressure ka. Iniisip ko sana na kapag na-discharge ka na, doon ka na lang itatanong.”

Napatungo si Francis na parang naghe-hesitate magpatuloy. Maya-maya ay napabuntong-hininga siya at tumingin kay Cindy ng may luha sa mga mata,

“Ako ba talaga ang ama ni Mikee?”

Cindy broke down and cry. Dahan-dahan siyang umiling.

Napatungo si Francis at tinakpan ang mukha niya gamit ang dalawa niyang kamay. Pareho silang umiiyak.

“Bakit?” tanong ni Francis. “Paanong nangyari— bakit mo naisip gawin ito? Sa amin ni Mara at pati na rin kay Mikee…!”

“Desperada ako noon, Francis,” sagot ni Cindy. “Iniwan ako ni Raymond. Hindi ko alam kung paano bubuhayin ang anak ko. Wala kaming pera. Gusto kong lumaki ng maayos ang anak ko. At gusto ko ding magkaroon ng pangalan ang anak ko. Gusto kong may kilalanin siyang ama. Kaya ikaw ang naisip ko…”

Pinipigilan ni Francis ang magalit. Kung hindi ginawa ni Cindy iyon, baka hindi ganito ang sitwasyon nila ni Mara.

“Napaka-selfish mo…” sabi ni Francis. “Bakit ako pa ang napili mo!”

“I’m sorry. I’m sorry na ginawa ko sa iyo yun. Pero—”

Napatigil si Cindy dahil umiling-iling si Francis. Hindi na niya kayang pigilan ang galit niya. Baka kapag hindi na niya napigil, mag-outburst na naman siya at mapahamak pa si Cindy ulit.

My One and Only HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon