Chapter 21
February 26…
Nakapagtapos si Francis sa business course niya. Masayang-masaya siya dahil after almost 17 years ng pag-aaral, nakapagtapos na rin siya.
Habang nakasuot ng toga at iniingatan na tangayin ng hangin ang graduation cap, tumakbo siya papunta sa mommy niya, kay Cindy at sa two and a-half year old niyang anak na si Michael Lawrence Martinez o Mikee as he likes to call him.
May malaking ngiti niyang binuhat ang anak niya at hinalikan ito sa pisngi.
“Graduate na si daddy, anak!” masayang pagkasabi ni Francis kay Mikee. At dahil na-sense niya na masaya ang sinabi ng daddy niya, mahinang pumalakpak si Mikee. Natuwa si Francis sa anak at hinalikan ito ulit.
“Congrats,” may ngiting pagkasabi ni Cindy kay Francis. Napatingin sa kanya si Francis at ngumiti.
“Ikaw din, sana, tapos na next year. Kung pumayag ka lang na mag-aral ulit…” sabi ni Francis.
Nag-hesitate sandali si Cindy sa pagsagot. “S-sayang lang. Mahina ang utak ko e. Saka lalo lang lalaki ang utang na loob ko kay tita Aileen kung papayag pa ako na siya ang magpa-aral sa akin…”
“Hay, ikaw talaga, Cindy,” sabi ni Aileen Martinez habang inaakbayan si Cindy. Napamahal na rin ito sa kanya at tinuturing na anak. “Para na rin kitang anak kaya walang problema sa akin kung pag-gagastusan kita.” She turned to Francis. “Tara, mag-celebrate tayo…”
“Sige, ma. Magpapaalam lang ako sa mga kaibigan ko…” sabi ni Francis.
“O sige. Sumunod ka na lang sa kotse a…”
“Halika na, anak,” sabi ni Cindy habang kinukuha si Mikee kay Francis. “Papalitan na rin kita ng damit…”
At pinanuod ni Francis si Cindy, hawak ang anak nila, na sumunod sa mommy niya papuntang kotse.
Marami na ang nagbago kay Cindy Lee. Hindi alam ni Francis kung ito ang naging bunga simula nung maging ina si Cindy. Hindi tulad ng dati, maalalahanin na si Cindy ngayon, hindi lang sa anak nila kundi pati na rin kay Francis. Hindi na ito makasarili katulad ng dati. Naging mabait na si Cindy hindi tulad nung dati na snobbish and so full of herself. Kung tutuusin, na kay Cindy na ang mga qualities ng isang good housewife.
Pero kahit ano pang pagbabago kay Cindy, hindi siya ang gustong pakasalan ni Francis. Hindi si Cindy ang gusto niyang makasama habang buhay.
Isang babae lang ang gusto niyang makasama hanggang sa mamatay siya.
Tumalikod si Francis at naglakad palapit sa grupo ng mga kaibigan niya.
“O ayan na pala si Francis e!” sabi ni Eli, ang isa sa mga kabarkada ni Francis.
Dalawa ang naging malapit na kaibigan ni Francis; si Eli Fortunado at si Joey Mallari. Sila ang tumulong kay Francis sa paghahanap sa babaing pinakamamahal niya. Kaya naman napakalaki ng utang na loob niya sa dalawang lalaking ito.
“Kanina ka pa namin hinahanap,” sabi ni Joey habang inaakbayan si Francis.
“Syempre babatiin niya muna ang anak niya at ang fiancée niya,” asar ni Alyssa, ang girlfriend ni Eli.
“Alam mo, hindi mo kamukha ang anak mo,” sabi naman ni Rachelle, ang isa sa mga kaibigan ni Francis na tumulong din sa paghahanap. “Parang mas kamukha niya ang mommy niya…”
“Mahina ang genes ko…” sabi ni Francis with a faint smile.
“Ay naku tama na nga yan,” sabi ni Joey sa mga kaibigan. “Kayo talaga. Pati pa ba naman sa mukha ng anak niya ipapa-stress niyo pa itong si Francis M natin?” Tumingin si Joey kay Francis. “Magbakasyon ka na muna kaya. Magpahinga ka muna…”
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Teen FictionThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...