Chapter 36
After five years…
“Welcome dito sa subdivision namin!”
Nakatingin lang ang 5-year old girl na si April Ocampo kay Mikee Martinez, 7 years old. Nakatayo sila sa tapat ng pinakadulong bahay sa isang street ng maliit na subdivision na ito kung saan lumipat ang pamilya ni April. Sa isang tabi ay nandun ang mga magulang ni April kasama ang ibang mga magulang, nagpapakilala sa isa’t-isa.
“Hala ka. Tinakot mo siya, Mikee…” sabi ni Ruben Morales, ang bestfriend ni Mikee na kasing-edad niya.
Hindi pinansin ni Mikee si Ruben. “Wag kang matakot. Ako si Michael Lawrence Martinez. Anak ako ng president ng subdivision na ito. 7 years old na ako. E ikaw, ilang taon ka na?”
April held up her hand with all her fingers upright.
“Ilan daw yun, kuya Mikee?” sabi naman ng pinsan ni Mikee na si James Fortaleza, 4 years old.
“5 na daw siya,” sagot ni Mikee.
Ang kakambal ni James na si Jill ay natawa. “Ate natin siya.” Tumingin si Jill sa isang babaing mas matangkad sa kanya na hawak niya ang kamay. “Ate Jane, ate ka naman niya!”
Si Jane, 6 years old, ang pinakatahimik sa grupo. Napangiti siya kay April.
“May bago na naman tayong friend,” sabi ni Mikee ng may ngiti.
“Mikee…”
Napalingon ang limang bata sa isang babaeng buntis na nakangiti sa kanila.
“Halika, Mikee,” sabi ni Mara Fortaleza-Martinez ng may ngiti. “Sabi ni daddy, sa bahay na lang kayo maglaro.” Kinausap naman ni Mara si Jill at James. “Jill, James. Hinahanap kayo ng daddy niyo. Nandun siya sa bahay namin…”
“Opo, ninang,” sabay na pagkasabi ng kambal at tumakbo na sila papunta sa pinakamalaking bahay na nanduon sa street na iyon. Sumunod din naman si Ruben at Jane nang tawagin sila ng kanya-kanya nilang magulang.
Ngumiti si Mikee kay Mara. “Wait lang, mama…” He turned back to April. “Siya ang mama ko. Pero hindi siya ang totoong mama ko. Yung totoong mommy ko kasi, nasa heaven na….”
“Talaga?” sagot ni April, speaking for the first time. Her eyes were full of wonder and amazement. “Ibig sabihin, dalawa ang mommy mo?”
Tumango-tango si Mikee na parang ito ang pinakamagandang fact. “Sabi ni daddy, maswerte daw ako. Tara! Doon tayo sa bahay ko. Marami akong toys doon, pwede mong hiramin. Saka may food din doon. Saka kasama naman natin yung mama at daddy ko e. Saka kasama din ang mommy at daddy mo…”
Ngumiti din si Mara kay April. “Oo nga. Makakalaro mo din ang ibang bata doon. May party doon e…”
Napangiti si April kay Mara. Hinawakan ng bata ang kamay ni Mara.
Hawak kamay, sabay na pumunta sina Mara, Mikee at April sa bahay ng mga Martinez. Pagkapasok ng bahay ay kaagad na bumitaw ang dalawang bata kay Mara at sumama sa mga kabigan nila.
Napangiti si Mara habang tinitignan si Mikee na naka-ikot ang mga kaibigan sa kanya. Hindi mapigilang isipin ni Mara na ang anak niya ay popular sa mga barkada niya.
Mayroong kainan sa bahay nina Francis at Mara Martinez. Ito ay dahil sa birthday ni Francis at para na rin sa pag-welcome ng mga bagong lipat. Kaagad na binati si Mara ng mga kapitbahay niya na mga naging kaibigan na rin niya. Naging malapit sila dahil maliit lang ang subdivision na pagmay-may ari ni Francis. Hanggang ngayon ay napapangiti pa rin si Mara kapag kinukwento ni Francis ang mga meetings na ginagawa niya at ang mga activites na sine-set up niya para sa community ng subdivision na ito. Kapag kasi nagkukwento si Francis, palagi itong may ngiti sa mga bibig niya.
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Teen FictionThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...