Chapter 26
Napaigtad si Mara sa pagkakagising nang tumunog ang alarm clock niya pagsapit ng 6 ng umaga. Kinapa niya ito sa may bedside table niya at pinatigil ito. Bumangon siya sa pagkakahiga at napahikab. At bigla na lang niya naalala na 20 years old na pala siya ngayon.
Napabuntong-hininga si Mara. Ngayon na wala na siyang cellphone, hindi siya mababati ng mama o papa niya, o kahit si TJ.
“Happy birthday, Mara…” inaantok na pagkasabi ni Mara sa sarili niya. Lumabas siya ng kwarto niya at pumasok ng CR para maghilamos. Pagkatapos maghilamos ay kaagad na siyang dumiretso sa kusina para magluto.
Sisimulan na sana ni Mara ang magbati ng itlog nang mag-ring ang telepono. Dali-dali siyang lumabas ng kusina dahil baka ang pamilya niya ang tumatawag.
“Hello?” excited na pagkasabi ni Mara.
“Happy birthday!” sabi ng isang lalaki sa kabilang linya.
Na-disappoint si Mara nang mabosesan niya ang nasa kabilang linya. Hindi niya ito kapamilya. “Salamat, Martin.” At bigla niyang naalala na pinatanggal na nga pala ng mama niya ang landline sa bahay nila dahil sayang lang ang binabayad nila sa bill nito.
“I’m sorry pero baka bukas pa ako makabalik dyan,” sabi ni Martin.
“Bakit, asan ka ba?” tanong ni Mara.
“Nandito sa Davao. Kararating lang namin ni mommy dito. Nagka-problema dun sa isang branch ng hardware store namin e. Pasensya ka na kung hindi kita maipaghahanda ngayon…”
Pilit na ngumiti si Mara. “Ok lang. Naiintindihan ko…”
“Ganito na lang. Bukas, doon na lang kita iti-treat…”
“Sige…”
“Sige. Ibababa ko na ito. Sasakay pa kami ng bangka e…”
“Ok. Ingat.” At binaba na ni Mara ang phone.
Pagkababa ni Mara ay biglang nagbukas ang pinto. Nagulat siya nang makita si Francis, may dalang box ng cake at lobo sa isang kamay habang sa kabilang kamay ay mga paper bags na hindi alam ni Mara kung ano ang laman.
“O gising ka na!” gulat na pagkasabi ni Francis. Seeing Francis’ expression, hindi nito inaasahan na maagang nagising si Mara ngayon. “Sosorpresahin sana kita e…”
Nagulat si Mara. “Ako?”
“Oo,” sagot ni Francis habang pumapasok ng bahay at nilalapag ang lahat ng dala sa dining table. “Birthday mo diba? Ihahanda ko sana itong sala na parang birthday party mo. Pero naunahan mo ako ng gising…”
Hindi mapigilan ni Mara ang mapangiti. Hindi niya inaakalang mag-aabala pa ng ganito si Francis para lang sa birthday niya.
“Hindi naman nabigo ang plano mo e…” sabi ni Mara habang pinagmamasdan ang mga lobo na may bright colors. “Nasorpresa mo nga ako…”
* * * * *
Makaraan ang ilang sandali, may mga lobo na nakasabit sa dingding ng sala. May nakahain din na hotdog with marshmallows sa hapag-kainan at spaghetti.
Nakaupo si Mara sa hapag-kainan, may party hat sa ulo niya, hinihintay si Francis. Maya-maya ay lumabas na nga si Francis sa kusina dala-dala ang birthday cake na may 20 candles na nakasindi. Kumakanta si Francis ng Happy Birthday song habang lumalapit kay Mara. At nang matapos ang kanta, hinipan ni Mara ang mga kandila.
“Whoohoo!” cheer ni Francis nang mamatay na ang lahat ng kandila. Binuksan niya ang isang party popper at may nahulog na mga confetti kay Mara.
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Teen FictionThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...