Chapter 17

251 3 0
                                    

Chapter 17

Napangiti si Mara habang natutulog. Pero nang masinagan ng araw ang mukha niya, nagising na siya. Nainis siya dahil nagising pa siya. Sana hindi na lang sumikat ang araw sa mukha niya. Para, hanggang ngayon, ay napapanaginipan pa rin niya si Francis.

Ang ganda ng panaginip niyang iyon. Parang totoo talaga. Kahit pala sa panaginip ay pwedeng mangyari na aaminin sa kanya ni Francis na may gusto siya sa kanya. Na mahal na mahal siya ni Francis at araw-araw nitong patutunayan sa kanya.

At parang added bonus, nagkaroon pa daw siya ng first kiss sa ilalim ng maliwanag na buwan. At pagkatapos ng magical moment daw na iyon, pumasok sila sa kubo at nagkwentuhan.

Pero wala na ang maliwanag na buwan. Ang tirik ng araw na ang pumalit at ito ang sumira sa panaginip niyang iyon. Binalik na ng araw si Mara sa realidad na hindi magkakatotoo ang panaginip na iyon.

Umunat si Mara at humikab. Grabe. Pagod na pagod siya. Kahit na nakatulog na siya at nakapagpahinga, nararamdaman pa rin niya ang pagod nang dahil sa piyesta.

Tumayo na si Mara sa higaan at dumiretso sa salamin.  Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay niya at hinanap ang panali niya ng buhok. Weird, hindi niya ito mahanap. Hinayaan na lang niyang sabog-sabog ang buhok niya sa mukha niya at lumabas ng pinto. Kukuha na lang siya siguro ng rubber band doon sa kusina.

Dahil sa sobrang antok niya, nabunggo si Mara. Napatingala siya at nakita niya si Francis na nakatingin sa kanya pababa, nakataas ang isang kilay.

“Alam mo yung suklay? Meron ako noon. Hiramin mo?” sabi ni Francis sarcastically.

Inayos ni Mara ang buhok niya, sinusubukan itong ipa-flat. Francis held his hand up to Mara. Nakita ni Mara ang panali niya ng buhok.

“Nahulog mo kagabi nung nasa kubo tayo,” sabi ni Francis, explaining kung bakit nasa kanya ang panali.

Nanlaki ang mata ni Mara. Kubo? Nasa kubo sila kagabi ni Francis? Sa panaginip niya iyon a….

Nag-cross ng arms si Francis at tinignan si Mara. “Alam mo bang ang bigat-bigat mo? Nakatulog ka kasi sa kubo kaya, ayun. Binuhat pa kita dito sa kwarto mo. Grabe ka. Nagkukwento ako tapos natutulog ka na pala…!”

Nakita ni Mara na tumaas ang isang gilid ng bibig ni Francis, smiling. “Pero kahit na gulo-gulo ang buhok mo at napaka-bigat mo pa, maganda ka pa rin. At… hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sayo.”

Nanlaki ang mata ni Mara at muntik na siyang mapanganga. Anong sinasabi nito? “A-anong… mga pinagsasasabi mo?”

“Bakit? Diba sinabi ko na lagi kong ipapaalala sayo kung gaano ka kaganda at kung gaano kita kamahal?”

Oh… my… gosh. Totoo ang panaginip niya! Hindi lang iyon gawa-gawa ng isip niya! Totoong nangyari ang mga napanaginipan niya! Boyfriend niya si Francis Martinez!

Hinawakan ni Francis ang kamay ni Mara. “Tara. Kain na tayo.”

Dahil sa sobrang gulat at hindi maka-get over, iba ang natanong ni Mara. “Totoo ba ito?”

“Ang alin?” tanong ni Francis, nagtataka.

“Ito. Hindi ba ako nananaginip?” sabi ni Mara stupidly.

Tinignan ni Francis si Mara both with confusion. “Ang ibig mo bang sabihin, naging girlfriend ko ang isang nababaliw?”

Hindi nakapagsalita si Mara. It made her heart skip a beat nang marinig niyang sinabi ni Francis ang salitang girlfriend.

Napangiti si Francis. Hinawakan niya ang mukha ni Mara with both of his hands. “Gusto mo bang patunayan ko na hindi panaginip ito?”

Dahan-dahan siyang nag-lean kay Mara para halikan. Si Mara ay nanigas at umiwas kay Francis.

My One and Only HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon