Chapter 22

179 4 0
                                    

Chapter 22

March 9…

Kaarawan niya ngayon. Kung hindi siya nagkakamali ay 21 na siya ngayon. Isang taon ang tanda nito sa kanya. Gustuhin man niyang batiin, hindi niya magagawa. Wala na siyang cellphone. Kinakailangan niya itong ibenta. At kung may cellphone man siya ay hindi din niya ito tatawagan.

Dahil for almost three years, nagtatago si Mara Fortaleza kay Francis Martinez.

Pumanik si Mara sa kwarto niya at binuksan ang drawer. Sa pinakailalim ng dresser ay may isang maliit na pouch bag na naglalaman ng isang iPod nano na kulay green.

Dati ay dalawa ang iPod ni Mara pero, katulad ng cellphone niya ay, kinakailangan din niyang ibenta ang isang iPod niya. Pero itong iPod na hawak niya ay hindi niya pwedeng ibenta. Kahit pa wala na siyang perang pambili ng makakain ay hindi niya ito kayang mawala sa kanya. Dahil ito na lang ang pinanghahawakan niya.

Itong iPod na ito ang patunay na may nagmahal sa kanyang isang Francis Martinez. Isang taong minahal siya kahit hindi naman siya perpekto. Minahal siya nito at her worst at pinaramdam nito sa kanya na wala sa hitsura kapag mamimili ka ng mamahalin. At dahil alam ni Mara na hindi na sila magkikita at magkakatuluyan ni Francis, itong laman ng iPod na ito ang nagpapa-alala sa kanya na may nagmahal sa kanya at may minahal siya.

* * * * *

Martin raised his fist on the door nang bigla itong bumukas. Nakita niya si Mara na namumula ang mata at ilong. Nakita din niyang nagulat si Mara nang makita siya.

“Kanina ka pa ba dyan?” sabi ni Mara, paos.

Napakamot si Martin sa likod ng ulo niya. It made him uncomfortable kapag nakikita ng ganito si Mara. Madalas niyang masaksihan ang ganitong scene kay Mara simula nang makilala at maging kaibigan niya ito. Bigla na lang niya itong makikita na namumula ang mata at ilong. At kahit pa ilang beses i-deny ni Mara, alam niyang umiyak si Mara. Nag-give up na siyang malaman kung ano ang rason sa likod nito dahil hindi naman nagsasalita si Mara.

“Hindi,” sagot ni Martin. “Yayayain na sana kitang kumain.”

“Ikaw ang nagluto?” tanong ni Mara with an expression na parang hindi niya inaasahan ang ginawa ni Martin.

Ngumiti si Martin at tumango-tango.

Nahihiyang ngumiti si Mara. “Pasensya ka na. Akala ko kasi hindi ka darating kaya hindi ako nagluto…”

“Ok lang.” Kinuha ni Martin ang kamay ni Mara. Napansin niyang napatingin si Mara sa kamay nilang dalawa na parang may iniintay o hinahanap. “May problema ba? H-hindi ka ba komportable?”

Napatingin si Mara kay Martin na parang ngayon niya lang naalala na magkasama nga pala sila ngayon. “Ah. Hindi. Ok lang. Nakakapanibago lang sayo…”

Napangiti si Martin. “Nung nakilala kita two years ago, gusto ko na talagang hawakan ang kamay mo. Ngayon lang ako nagka-chance kasi, official naman na na nililigawan kita…”

Tinignan siya ni Mara ng ilang sandali bago alisin ni Mara ang kamay nito sa hawak niya at bumaba na ng hagdan.

“Tara na, kumain na tayo…” sabi ni Mara.

* * * * *

Umupo si Martin sa maliit na table sa kusina matapos mapilit ni Mara na ito na lang ang maghuhugas ng pinag-kainan nila.

He stared at her back habang ito ay naghuhugas ng pinggan. Naramdaman na naman niya ang tingling sensation sa tuwing nakikita niya si Mara.

Simula nung lumabas siya ng bahay, two years ago, at makita si Mara across the street na parang naninibago sa paligid niya at sa maliit na bahay na tinutuluyan niya, naramdaman na niya ang parang nakakakiliting sensation na ito sa katawan niya. Na naging reason naman para lapitan niya si Mara at kaibiganin ito. At ever since, naramdaman na niya ang pagiging cautious ni Mara na parang nag-iingat sa lahat ng taong makikisalamuha niya. Although magkaibigan sila at close sa isa’t-isa, Martin still felt that Mara is holding back on something. Na parang hindi nito binibigay ang buo niyang pagkatao. Sa tingin niya, parang na-trauma si Mara. Bagay na tinanong niya kay TJ nang minsan na bumisita ito sa ate niya dati,

My One and Only HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon