Chapter 29
Napasilip si Mara sa may bintana habang naglilinis ng sala. Her heart skipped a beat nang makita niya ang Land Rover ni Francis na papasok ng Paradise Resort. Isang linggo niya itong hindi nakita at inakala niyang hindi na ito babalik kaya naman ang saya na nararamdaman ni Mara ngayon ay sobra sobra na halos hindi siya makagalaw. Nararamdaman niyang dumadagundong ang puso niya.
Nakita niyang bumaba si Francis ng sasakyan. Hindi niya alam kung bakit parang mas gumwapo ngayon si Francis. Siguro ay dahil sa bago nitong gupit.
May kinuha ito sa gitna ng kotse at nakita niyang may binuhat si Francis na isang batang lalaki na abot-tenga ang ngiti. Nakita din ni Mara kung paano tignan ni Francis ang bata at kung paano niya ito ngitian.
Napalunok si Mara. Ito na siguro ang anak ni Francis. At parang bumalik sa kanya ang lahat ng nangyari three years ago. Kung anu-ano din ang pumasok sa isip ni Mara ngayon; kung hindi dahil sa batang iyan, baka magkasama pa rin sila ni Francis hanggang ngayon; kung hindi dahil sa batang iyan, baka siya ang pakakasalan ni Francis; at kung hindi dahil kay Cindy, baka siya ang ina ng batang iyan ngayon.
Hawak kamay, naglakad ang mag-ama palapit ng bahay. Hindi talaga makita ni Mara ang resemblance ng bata kay Francis. Mas nakikita niya si Cindy sa batang ito.
Umalis si Mara sa may bintana nang makita niyang papalapit na si Francis.
“Mara…” Kumatok si Francis. “Mara…!”
Napahinga ng malalim si Mara. Binuksan niya ang pinto at nakita niya si Francis na buhat ang anak.
“Say hi,” sabi ni Francis sa anak.
“’ello…” mahinang pagkasabi ni Mikee kay Mara. Pinulupot ng bata ang mga kamay nito sa leeg ni Francis.
Pilit na ngumiti si Mara. “Hello. Anong pangalan mo?”
Hindi sumagot si Mikee. Nakatingin lang ito kay Mara na parang nagiging cautious.
“What’s your name daw,” malambing na pagkasabi ni Francis. “You should answer…”
Umiling-iling ang bata.
“Wag mo nang pilitin,” sabi ni Mara kay Francis. “Naninibago lang siya. Pumasok na kayo…”
Ngumiti si Francis at pumasok ng bahay dala ang isang malaking duffel bag at isang baby bag.
“Si Martin?” tanong ni Francis habang inuupo ang bata sa sofa. Nilabas din niya ang baby bottle na puno ng tubig at binigay ito kay Mikee.
Sandaling napatitig si Mara kay Francis at Mikee. Hindi niya akalaing ganito kaalaga si Francis na sa pagkakakilala niya ay makasarili at walang pakialam sa ibang tao.
“Si Martin?” tanong ulit ni Francis na lumingon na kay Mara.
“Ha?” gulat na pagkasabi ni Mara. “Uh, ano. Umuwi sandali. Hinahanap siya ng mama niya…”
“Mama’s boy,” bulong ni Francis habang umiiling-iling. Tumayo siya at tumingin kay Mara ng may ngiti,
“Sabi ko sayo dadalhin ko siya dito para magkakilala kayo diba?”
Matipid na ngumiti si Mara. Sinilip niya ang bata. Tumitingin-tingin ito sa paligid niya habang umiinom sa bottle. “Ano nga ulit pangalan niya?”
“Mikee,” sagot ni Francis.
Tumango-tango si Mara. Maya-maya ay kinuha ni Francis ang kamay niya at hinila. “Halika, ipapakilala kita.”
Inupo ni Francis si Mara sa sofa at tumabi naman siya sa kabilang side ng anak niya. “Mikee, this is tita Mara. Can you say hi to tita Mara?”
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Teen FictionThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...