Chapter 25
Nakatitig lang si Martin kay Francis.
“Hindi mo ko narinig?” sabi ni Francis. “Gusto kong magtrabaho dito sa resort mo bilang house boy.”
“Hindi,” kaagad na sagot ni Martin. “Hindi ka qualified. Ni hindi ka nga marunong maghugas ng pinggan!”
Napangiti si Francis. “Kung tutuusin, sobra-sobra pa nga ang qualifications ko sa standards ng trabaho na ito. College graduate ako at wag mo kong minamaliit ng ganyan. Marunong akong gumawa ng gawaing bahay. Baka mapahiya ka lang kapag pinakita ko sayo.”
Tinignan ni Martin si Francis ng masama. “Alam ko yang ginagawa mo. Ginagawa mo ito para lang makasama mo si Mara… at maagaw mo rin sa akin.”
“Tama ka. Gusto kong makasama si Mara ng mas matagal pa. Dalawang taon ko siyang hindi nakita so hindi mo naman ako siguro masisisi. Pero tungkol sa pag-aagaw. Sa tingin mo pwede yun? E hindi naman siya sayo.”
Tinignan ni Martin si Francis ng masama na parang gusto niya itong patayin. “Kung hindi lang kami nangangailangan, hindi ko ito gagawin. Tatanggapin kita pero sa isang kundisyon.”
“Ano?”
“Wala kang sweldo.”
Natawa si Francis na parang nag-joke si Martin. “Wala akong pakialam. Kahit hindi mo ko pakainin, ok lang. Basta kasama ko si Mara, wala na kong kailangan.”
Binuhat ni Francis ang bagahe niya at nginitian si Martin. “So boss, hindi niyo po ba ako ipapakilala sa mga empleyado niyo? O ako na lang?”
Ngumiti ulit si Francis kay Martin at pumasok na ng bahay.
Pagpasok ni Francis, nakita niya si Mara na pababa ng hagdan, mugto ang mga mata at pula ang ilong.
Nanlaki ang mata ni Mara nang makita niya si Francis. “Bakit ka nandito?”
Binaba ni Francis ang bag niya at kaagad na pinuntahan si Mara. Hinawakan niya ang pisngi ni Mara. “Umiyak ka ba? Bakit ka umiyak?”
“Ano?” sabi ni Mara. “Ah. Ano… uh. Naghiwa ako kanina ng sibuyas kaya nairita yung mata ko at ilong. Naghilamos lang ako sa CR sa itaas.”
Napangiti ng malaki si Francis at hindi niya napigilan ang sarili. Niyakap niya si Mara. “Sabi ko sayo magkikita pa tayo e…”
“Bawal yan.”
Tinulak ni Mara palayo si Francis. Sinundan ni Francis ang tingin ni Mara at nakita niya si Martin. Lumapit si Martin sa kanila at hinila si Mara palayo kay Francis.
“Bawal magkaroon ng relasyon ang empleyado sa empleyado,” sabi ni Martin.
Napangiti si Francis. “Diba mas bawal magkaroon ng special relationship ang amo sa empleyado niya?”
Napasimangot si Martin. “Ibang kaso iyon. Kaibigan ko na si Mara bago ko pa man siya maging empleyado…”
Napangiti ng nakakaloko si Francis. “O bakit naging specific ka na? Wala naman akong tinutukoy na tao…”
“Linisin mo yung pool,” sabi ni Martin kay Francis. “Hindi kaya ni Mara iyon.”
Napatingin si Mara kay Francis at Martin. “Teka. Anong—”
Napatingin si Francis kay Mara. “Anything for my girl.”
Namula si Mara at si Martin ay namula din dahil sa galit. “Sige na. Gawin mo na. Bawal mabagal dito.”
Ngumiti si Francis, kinindatan si Mara at lumabas na para linisin ang pool. Nang makalabas si Francis,
“Anong nangyayari, Martin?” tanong ni Mara. “Bakit siya andito? At bakit mo siya pinaglilinis ng pool?”
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Teen FictionThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...