Chapter 32
Ikaw ang pumalit sa akin…
Gusto ko, ikaw ang makilala niyang ina kung mawala man ako…
Napabangon si Mara sa pagkakahiga. Napalingon siya sa bedside table niya at nakita niyang 2:13 na ng madaling araw. Tinakpan niya ang mukha niya ng kamay niya. Bakit ba hindi siya makatulog?
Kanina pa siya pagulong-gulong sa kama, humahanap ng komportableng pwesto para makatulog siya. Isang saglit, makakatulog na siya pero maya-maya magigising ulit siya. Hindi niya maalis sa isip niya ang mga sinabi ni Cindy.
Seryoso ba talaga si Cindy sa lahat ng sinabi niya? Kaya niya kayang gawin ang pinapagawa niya?
Naalala niya noong kasama pa niya si Mikee. Naalala niya kung paano ito kumapit sa kanya na parang siya nga ang ina nito. Sa kapit na iyon, nakita niya na may malaking tiwala ang bata sa kanya. Na parang naka-depende ito sa kanya.
Hindi madali ang pinapagawa ni Cindy. Kung sa ibang tao sasabihin, madali lang ito para sa kanila. Lalo pa’t ang magiging asawa nila ay isang Francis Martinez at ang magiging anak nila ay isang tulad ni Mikee na hindi mo maiiwasang mahalin.
Pero hindi siya ibang tao. Siya si Mara Fortaleza na nasaktan nang dahil sa isang kasinungalingan na hindi niya alam kung makaka-get over pa siya. Kahit na alam niya na ang totoo, na wala naman talagang kasalanan si Francis at si Mikee sa lahat ng nangyari, hindi niya magawang ibigay ang buong puso niya sa bata. Bakit siya magiging ina sa isang batang hindi naman niya kaano-ano? Bakit niya mamahalin ang isang batang minsang sumira sa buhay niya?
Pinukpok ni Mara ang noo niya gamit ang kamao niya. Bakit ba ganito siya mag-isip? Bakit ang sama niya sa isang batang wala namang kaalam-alam sa mga nangyari noong nakaraan at sa nangyayari ngayon?
* * * * *
Iniwasan ni Martin ang ibuga ang iniinom niyang iced tea. Pilit niyang nilunok ang inumin at napatingin kay Mara nang hindi makapaniwala,
“Anong sabi mo?”
Napabuntong-hininga si Mara. Ayaw niya ng paulit-ulit. “Siya ang ina ni Mikee.”
“I-ibig sabihin, siya ang fiancée ni Francis?”
Nag-hesitate si Mara. Sasabihin nga ba niya ang totoo? Dapat sa una pa lang ay hindi na niya binanggit kay Martin kung sino talaga si Cindy.
Napasandal si Martin sa inuupuan niya at nag-isip. Alam ni Mara na may gustong sabihin si Martin na hindi maganda pero hindi nagsalita si Martin.
Tumingin si Martin kay Mara. “Hindi ka naiilang?”
Natawa si Mara sa tanong ni Martin. “Matagal na akong naiilang sa maraming bagay. At nasanay na ko na wag magpa-apekto sa mga iyon…”
Napangiti si Martin. “Come to think of it, kamukha nga ni Ms. Cindy ang bata. Nakakatuwa ang batang iyon. Hindi ako makapaniwalang ama niya si Francis…”
Napatingin si Mara kay Martin. “Oo nga pala. May nakalimutan akong sabihin…”
Tinignan siya ni Martin curiously.
“Si Francis… hindi din siya ang totoo tatay nung bata.”
Martin’s jaw dropped. Sandali siyang hindi nagsalita. Nagkaroon si Mara ang kaunting simpatya para kay Martin. Nakaka-overwhelm nga naman kung sa isang batuhan mo lang sinabi ang lahat.
“Hindi din ito alam ni Francis kaya mas mabuting wag ka munang magsasabi ng kahit na ano tungkol dito…” dagdag ni Mara.
Hindi kaagad nakasagot si Martin. Maya-maya,
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Teen FictionThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...