Chapter 35
Bumaling sa side si Martin. Habang nakangiti, niyakap niya si Mara. It feels so good na nakatabi niya si Mara sa pagtulog.
“Mara…?” may ngiting pagkasabi ni Francis nang maramdaman niya ang kamay ni Mara na nakayakap sa kanya.
Napadilat ang dalawang lalaki. At nanlaki ang mga mata nila nang makita nilang halos magkadikit na ang mga mukha nila sa isa’t-isa.
“AAAHHHH!”
Napalabas kaagad si Mara sa kusina nang marinig niya ang dalawang sigaw. Pagkalabas niya, nakita niya si Francis at Martin na nakatayo na parang pinandidirihan ang sarili.
“Bakit mo ko niyakap?!” sigaw ni Francis, sabay duro kay Martin.
“Malay ko ba na wala na si Mara!” sagot naman ni Martin. “Bakit ka kasi nasa higaan ni Mara?!”
“Guys…” Napatingin ang dalawang lalaki kay Mara. “Na naman?” sabi ni Mara na parang nababanas.
“E kasi siya!” sabay na pagkasabi ni Francis at Martin, sabay duro sa isa’t-isa.
“Hay naku. Pumasok na nga kayo ng kusina para kumain…”
* * * * *
Lumabas si Martin ng bahay at nakita niya si Francis na may inaayos sa engine ng kotse nito. Nilapitan niya ito at nagulat si Francis nang makita siya.
“May maitutulong ba ako?” tanong ni Martin. “Marunong din ako sa ganyan. May-ari kami ng repair shop.”
“Tch, ang yabang,” sabi ni Francis ng may ngiti. “Hindi na. Chine-check ko lang yung oil saka tubig. Saka yung battery na rin…”
Tumango-tango si Martin at nag-lean siya sa may hood ng kotse, iniiwasang maharangan si Francis sa kung ano ang ginagawa niya.
Maya-maya ay sinara na ni Francis ang hood at pinunasan ang greasy hands niya sa isang towel. “Ano ba talaga ang ginagawa mo dito Martin De Jesus?”
Napangiti si Martin. “Hindi ka siguro maniniwala sa akin kung sasabihin kong ‘wala lang.’”
“Exactly.”
Napabuntong-hininga si Martin. “Gusto ko lang malaman kung paano kayo nagkakilala ni Mara…”
Tinaasan ni Francis ng kilay si Martin. “Bakit? Para gawin mo din at mapasagot mo siya?”
“Not exactly. Gusto kong malaman kung ano ba ang nagustuhan niya sa’yo na hindi niya makita sa akin. E pareho naman tayong matitipunong lalaki.”
Nagkatinginan ang dalawang lalaki at nagkangitian, for the first time, sa isang joke.
“What I want to say is, gusto kong malaman kung ano ang ginawa mo para gibain ang protective wall ni Mara na ginawa niya sa sarili niya…” sabi ni Martin.
Hindi kaagad sumagot si Francis. Nag-lean lang siya sa hood but not close to Martin. “Nung nakilala mo ba siya, medyo cautious siya sayo?”
Martin gave out a short laugh. “Medyo? More like sobra…”
Hindi sumagot si Francis. Napatingin si Martin kay Francis at nakita niyang nakatingin lang ito sa kamay niya na mayroon pa ring kaunting grease.
“Nakwento kasi sa akin ng kapatid niya,” sabi ni Martin. “Kahit nung dati, nung hindi pa nagiging kayo, cautious na si Mara pagdating sa mga lalaki. Nilalayo talaga ni Mara ang sarili niya. Kaya napahanga ako sa ginawa mo para… mabago si Mara.”
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Teen FictionThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...