Chapter 20

193 5 1
                                    

Chapter 20

Mara felt something break inside of her. Parang ang part ng katawan niya na nag-e-enable sa kanya para sumigaw at umiyak ay hindi na gumagana. Maging ang mga senses niya ay hindi na din gumagana. Wala na siyang maramdaman ngayon habang nakatulala siya kay Cindy, hawak nito ang tiyan niya.

Imposibleng may laman ang tiyan na iyan, sabi ni Mara sa isip niya. Imposible...

Maging si Francis ay nawalan ng pakiramdam. Paanong… paanong makakabuntis na siya kaagad? Isang beses lang niya ginawa pero nakabuo na siya? Imposible.

Naramdaman niyang biglang bumitaw si Mara sa hawak niya. Napalingon siya kay Mara at nakita niya ang tulalang hitsura ni Mara. Naluluha ang mata ni Mara pero walang tumutulong luha.

“Mara...” nagmamakaawang pagkasabi ni Francis.

Dahan-dahang umatras si Mara sa kinatatayuan niya.

“Mara...”

Natauhan bigla si Mara. Napatingin siya kay Francis. Sumakit ang dibdib niya dahil parang sasabog na ito sa sobrang pagmamahal para sa lalaking ito. Pero may nararamdaman din siyang galit at disappointment. Napatingin din siya kay Cindy na noon ay nakatitig lang sa kanya. Nawala ang pagmamahal na nararamdaman niya. Napuno ito ng kamuhian para sa babaing sumira sa mundo niya. Dahil hindi na niya nakayanan ang sakit ng dibdib niya, tumakbo siya papalayo.

“Mara!” sigaw ni Francis at tumakbo din kasunod ni Mara.

Ngayon lang nalaman ni Francis na mabilis palang tumakbo si Mara. Sa sobrang bilis, halos hindi niya ito maabutan. Nilakihan niya ang hakbang niya kahit na nararamdaman na niya ang sharp pain sa mga binti niya. Pero hindi siya tumigil. Tumigil lang siya nang mahawakan na niya ang braso ni Mara at pareho silang napatigil.

“Bitawan mo ako...” matigas na pagkasabi ni Mara, hindi tumitingin kay Francis. Her voice was so raw and bitter.

“Mara...” lang ang nasabi ni Francis. Hindi niya napigilan ang luha niya. Nabali na niya ang rule niya na hindi dapat umiyak. Sa sobrang sakit ng nangyayari sa kanya ngayon, wala na siyang nagawa kundi ang maiyak.

“Sinabi nang bitawan mo ako e!” sigaw ni Mara sabay harap kay Francis.

Nagkatitigan silang dalawa. Parehong nakasalamin sa mga mata nila ang sakit na nararamdaman nila nung mga oras na iyon. Pareho ding may mga luha sa pisngi nila na hindi nila mapigilang umagos. Pero may iba pang nakita si Francis sa mga mata ni Mara. Bukod sa sakit, punong-puno din ng galit ang mga mata nito.

Pinilit ni Mara na tanggalin ang hawak ni Francis sa kanya na halos itulak niya ito papalayo sa kanya. Pagkatapos ay tumakbo siya palayo. Hahabulin pa sana ni Francis si Mara nang may pumigil sa kanya,

“Francis, wag na...”

Tinanggal ni Francis ang hawak ni Cindy sa kanya. “Bakit ba lagi mong ginugulo ang buhay ko?!”

“Sa tingin mo ba hindi rin nagulo ang buhay ko ng dahil sayo?” sagot ni Cindy.

Hindi na sumagot si Francis. His mind was clouded by all the things that happened. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Hindi niya alam kung susundan ba niya si Mara o mananatili dito sa tabi ng babaing nagdadala ng anak niya.

Sino nga bang lalaki ang may alam kung ano ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon?

* * * * *

Wala sa sarili si Mara nang makauwi siya. Malapit nang magdilim nung mga oras na iyon. Halos sirain na niya ang pinto nang hindi niya maipasok ng mabuti ang susi sa doorknob dahil sa pag-nginig ng kamay niya. Nang mabuksan na niya ang pinto, kaagad siyang pumasok ng kusina at hindi binati si Shasha na noon ay masayang-masaya sa pagbabalik niya.

My One and Only HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon