Chapter 18
Hindi nagtagal ay dumating na ang pasukan. At dahil sa iisang university lang naman sila papasok, sinundo ni Francis si Mara at sabay silang pumasok ng school.
Pagkababa ni Francis ng sasakyan ay kaagad nakita ni Mara ang dalawang babae na nagbulungan habang nakatingin kay Francis. Napatingin si Mara kay Francis at nakita niyang inaayos nito ang bag niya. Hindi niya napigilang sumimangot nang dumaan sa harap nila ang dalawang babae,
“Hi!” sabi ng dalawang babae kay Francis.
Napatingin si Francis sa kanila at friendly na ngumiti sa kanila na parang isang artistang ngumingiti sa mga fans niya. Mahinhing tumawa ang mga babae na parang kinikilig habang papalayo.
Naramdaman ni Francis ang pagbagsak ng pinto ng kotse niya dahil nanginig ang kotse. Napatingin siya kay Mara at nakita niya itong nakasimangot papalayo ng kotse.
“O teka!” sabi ni Francis. Hinabol niya si Mara. “Akala ko ba sabay tayo?”
“Ewan ko sayo…” sabi ni Mara. “Hanapin mo mag-isa classroom mo!”
“Teka nga.” Hinawakan ni Francis si Mara sa braso para tumigil ito sa paglalakad. “Ano na namang problema mo?”
Biglang dumating ulit ang dalawang babae at tinapik sa likod si Francis.
“Uh, hello. I’m Shane,” sabi ng isang babae na may chinky eyes at may matangos na ilong. “Ito naman si Carla, friend ko. Pareho kaming freshmen.”
“Ahh...” nahihiyang pagkasabi ni Francis. Parang alam na niya ang ikinakagalit ni Mara dahil parang nararamdaman niyang nag-iinit si Mara sa tabi niya. Pinipilit nitong alisin ang hawak niya sa braso nito pero hindi siya bumitaw. “Francis Martinez.”
Nakita ni Mara na napangiti ang dalawang babae.
“Do you have a girlfriend?” tanong ni Carla.
Ano ito, lokohan? sabi ni Mara sa sarili niya. Hindi ba nila nakikita na nakahawak si Francis sa kanya? O baka naman hindi nga siya nakikita ng mga ito.
Sasagot na sana si Francis nang magsalita si Mara,
“Meron. Bakit?”
Napatingin ang dalawang babae kay Mara na parang ngayon lang ito napansin. Tinanggal ni Mara ang hawak ni Francis sa kanya at nag-step forward. Nagulat si Francis dahil nakangiti si Mara sa dalawang babae,
“Kakilala ko yung girl,” sabi ni Mara in a friendly way sa dalawang babae. “Gusto niyo din bang makilala?” Nagbago ang expression ni Mara na parang napaisip. “Kaso, wag na. Baka pagsisihan niyo lang.”
“Mara...” bulong ni Francis in a warning tone. Pero hindi pinansin ni Mara si Francis.
“Kasi selosa yung girl,” patuloy ni Mara. “Kaya niya kayong sabunutan ng sabay kapag nakita niyang nakikipaglandian kayo dito sa boyfriend niya. May possibility na makalbo kayo. Gusto niyo ng sample?”
Sensing na kailangan na nilang umalis, “Ah sige. Wag na. Sorry to bother you.” At mabilis na nag-alisan ang dalawang babae.
“Kita mo. Tinakot mo tuloy,” sabi ni Francis.
Napatingin ng hindi makapaniwala si Mara kay Francis. “So gusto mong nandito lang sila? Gusto mong hingin pa nila ang number mo? Siguro kung wala ako dito, ibibigay mo noh?”
“Nakikipagkaibigan lang sila,” sabi ni Francis calmly. Sa totoo lang, natutuwa siya dahil nagseselos si Mara.
Natawa sarcastically si Mara. “So gusto mo kong makipagkaibigan dun sa gwapong lalaki na pinaliligiran ng mga babae ngayon?”
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Teen FictionThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...