Chapter 24
Nang ma-settle in na si Francis sa kwarto niya. Hinatid ni Mara si Martin sa kotse niya na SUV.
“Sigurado kang ayos ka lang dito?” tanong ni Martin habang sumasakay sa kotse.
Tumango-tango si Mara. “Wag kang mag-alala. Nagkasama na kami dati sa iisang bahay kaya alam ko na ang gagawin ko…”
Napatingin bigla si Martin kay Mara with a wild expression. “Tumira kayo sa iisang bahay?”
“Mahabang kwento. Saka ko na lang sasabihin kung paano nangyari iyon…”
“Pwede naman ako ditong matulog e…”
“Paano ang mommy mo? Wala siyang kasama sa bahay ninyo. Saka mas gusto ka niyang nandun sa tabi niya…”
“Yan ang hirap kapag only-child ka lang…” sabi ni Martin ng may ngiti.
Napatitig sandali si Mara sa ngiti ni Martin. Hindi niya naramdaman ang pag-nginig ng tuhod niya o pagkalambot ng kalooban niya. Maganda namang ngumiti si Martin pero bakit tanging kay Francis niya lang nararamdaman ang mga kakaibang sensations?
“Saka alam kong may trabaho ka pa dun sa business niyo sa kabilang bayan,” sabi ni Mara. “Ako na ang bahala dito…”
Napangiti si Martin at tinitigan si Mara. Maya-maya ay hinawakan niya ang pisngi ni Mara which made Mara red.
“Basta, Mara. Naghihintay pa rin ako sa isasagot mo. Hinihintay ko kung kailan mo ako tatanggapin…”
Napatingin si Mara kay Martin. Pilit siyang ngumiti. “Pinag-iisipan ko pa.”
Ngumiti si Martin and with one last wave, pinaandar na niya ang kotse. Naglakad na pabalik si Mara sa bahay. Binuksan niya ang pinto at nagulat siya nang makita niya si Francis na nakatayo doon.
“Ano bang meron sa inyo ni Martin De Jesus?” tanong ni Francis.
Sumimangot si Mara. “Wala ka na dun…” Mahina niyang tinulak si Francis para makadaan siya papuntang kusina.
“Hoy, housekeeper. Kinakausap kita ng matino a.” Sinundan ni Francis si Mara.
Nainis si Mara at humarap siya kay Francis. “Sir, hindi po porke customer kayo e pwede niyo nang pakialaman ang personal kong buhay. Kaya pwede ba, layuan mo ako?”
“Mara. Hindi mo ako amo,” sagot ni Francis. “Ginawa ko lang ito—”
“Sabihin niyo na lang po sa akin kung gusto niyo na pong kumain, sir. Tawagin niyo lang po ako…”
At pumasok si Mara ng kwarto niya.
* * * * *
May kumatok sa pinto ng kwarto ni Mara. Si Francis siguro iyon na nagugutom na, kaya naman nagulat siya nang makita niya si Francis na nakangiti sa kanya at naamoy niya ang masarap na amoy ng pagkain.
“Handa ka na bang kumain, housekeeper?” may ngiting pagkasabi ni Francis.
Hindi kaagad nakapagsalita si Mara. Nanlambot ang mga tuhod niya. Nakabihis ng maganda si Francis na nagpadagdag sa kagwapuhan niya.
Kinuha ni Francis ang kamay ni Mara at ipinulupot ito sa braso niya and then he led the way to the dining room kung saan may nakahain na pagkain.
Nakita ni Mara na mayroong mushroom soup at chicken lollipop na nakahain.
“Ikaw ang nagluto?” tanong ni Mara na hindi makapaniwala.
“Surprised?” may ngiting pagkasabi ni Francis. He pulled back a chair at pinaupo si Mara. He took the seat across from Mara. “Lumabas ako kanina sandali. Mabuti na lang at mababait ang mga tao dito kaya naturo nila kaagad sa akin ang supermarket.”
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Ficção AdolescenteThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...