Chapter 31
Parang nahilo si Mara nang sabihin ni Cindy ang pang-huli niyang sikreto. Pakiramdam niya, umiikot ang mundo niya ngayon.
“Hindi mo talaga siya kamukha…”
“Marami ang nagsasabi sa akin niyan. Parang daw hindi ko siya anak. Pero kahit na hindi ko siya kamukha, mahal na mahal ko pa rin yang batang iyan.”
Nararamdaman ni Mara na nanginginig ang buong katawan niya. Tumayo siya dahil natakot siya na baka mahulog siya sa pool sa sobrang hina at nginig niya.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon: Awa. Naawa siya kay Francis dahil siya ang mas naghirap. Siya ang mas naloko ni Cindy. Siya ang sumalo sa lahat. Siya ang biktima; Relief. Guminhawa ang pakiramdam niya dahil wala talagang anak si Francis. Wala itong kasalanan sa mga nangyari noon at ngayon. Hindi siya nito niloko; Galit. Galit sa babaing sinisimulan na niyang ituring na kaibigan. Isang kaibigan na tinraydor siya. Galit siya sa babaing ito dahil ito ang sumira sa kanila ni Francis….
Nanginig ang kamay ni Mara. Hindi siguro ganito ang sitwasyon nila ni Francis kung hindi pumapel si Cindy at nangialam. Hindi siya sana nagtago at hinanap ni Francis. Hindi niya sana ipinagtabuyan palayo si Francis. Masaya siya sana ngayon kahit pa may pinagdadaanan siyang hirap. Sana…. Ang daming sana.
“I’m sorry,” sabi ni Cindy, umiiyak. Tumayo siya sa kinauupuan niya pero she didn’t dare go near Mara. “Alam kong dapat hindi ako nagsinungaling. Alam kong—”
“Alam mo pala pero bakit mo ginawa?” tahimik na tanong ni Mara. Tumingin siya kay Cindy with fierceness in her eyes. “Bakit mo iyon ginawa…!”
“Mara…”
“Bakit mo sinira ang buhay ni Francis?!”
Mabilis na nagsalita si Cindy para masabi na niya ang lahat bago pa man siya maputol ni Mara. “Mara, ginawa ko iyon para sa anak ko. Nabuntis ako at iniwan ako ng ama ni Mikee. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong magkaroon ng maayos na buhay ang anak ko. Pero paano ko gagawin iyon kung wala naman akong pera para mabuhay siya? And what’s worse, may sakit ako. Ayokong iwan ang anak ko ng hindi maayos ang buhay niya. At isa pa, gusto kong magkaroon ng pangalan ang anak ko. Gusto kong lumaki siya ng may kinikilalang ama. Ayokong kunin niya ang pangalan ko dahil malalaman niyang wala siyang ama. Kaya, naisipan kong gamitin si Francis…”
Hindi nakapagsalita si Mara. Bakit ngayon na nalaman niya ang totoong intensyon ni Cindy, nawala ang galit niya? Parang… nagkaroon siya ng simpatya para kay Cindy.
Naalala ni Mara ang mama niya. Grade 6 siya noon at si TJ ay grade 5. Inatake si TJ ng ulcer niya at kinakailangan siyang isugod sa ospital. Pero wala silang kapera-pera noon. Kinakailangan ni Mrs. Fortaleza na mangutang. Pero para makakuha ng mas malaking pera para sa mga mahal na gamot ni TJ, nagsinungaling si Mrs. Fortaleza na malala ang sakit ni TJ at kailangan ng malaking pera para sa operasyon para masalba ang buhay niya.
Kinakailangan ba talaga minsang magsinungaling para lang sa kapakanan ng anak mo? Kahit sino bang desperadang ina ay gagawin ang lahat, masama man ito, para lang sa anak niya?
“Alam ko at nakikita kong mabait si Francis. Alam kong hindi niya pababayaan ang bata kung magkataon man… na mamatay ako,” sabi ni Cindy.
“Pero sabi sa akin ni Francis na may nangyari sa inyo,” nanghihinang pagkasabi ni Mara. “May nangyari sa inyo nung araw na tinawagan mo siya. Doon pa nga sa—” Napatigil si Mara. Kapag ipinagpatuloy pa niya baka masiraan na siya ng tuluyan.
“Pinainom ko siya ng pampatulog. Pinalabas ko lang na may nangyari sa amin para hindi niya ako matanggihan. Para hindi niya kami maitakwil ng anak ko…”
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Dla nastolatkówThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...