Chapter 14

216 4 0
                                    

Chapter 14

Kakatapos lang ng Holy Week kaya naman kaagad na nagpaalam si TJ na lalabas kasama ang girlfriend na si Jamie at ang ilang mga kaibigan nila.

Habang nagpapahinga si Mara sa itaas (may sipon pa rin ito kahit na wala nang lagnat), nasa sala si Francis kasama si Mrs. Fortaleza. Ipinaghihiwa ni Mrs. Fortaleza si Francis ng dilaw na mangga.

“Matamis ba?” tanong ni Mrs. Fortaleza. “Pwede ko bang ibenta?”

Tumango-tango si Francis na punong-puno ang bibig ng mangga. “Pwede rin pong gawing shake…”

Mrs. Fortaleza clapped her hands togther. “Ay, oo nga! Pwede nating gawin yun. Naku. Anak ka talaga ng isang negosyante!”

Napangiti lang si Francis habang kumukuha pa ng isang mangga na hiniwa ni Mrs. Fortaleza. Maya-maya ay nag-ring ang phone niya. Kaagad niya itong sinagot,

“Na naman?” halos pasigaw na pagkasabi ni Francis. Napatigil si Francis at napatingin kay Mrs. Fortaleza na nakatingin sa kanya ng gulat. Nginitian ni Francis si Mrs. Fortaleza,

“Sorry po.” Tumayo siya at lumabas ng bahay.

“Saan mo na naman ako dadalhin, ha?” sabi ni Francis na pinipigilan nang lakasan ang boses. “Kahit kailan ka talaga. O sige, sige. Pupunta ako.” At binaba na ni Francis ang phone. Pumasok siya ulit ng bahay,

“Tita, sorry po. Aalis lang po ako sandali…” sabi ni Francis.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Mrs. Fortaleza.

“May kikitain lang po ako…”

“O sige. Dito ka ba kakain mamayang gabi?”

“Susubukan ko po,” sagot ni Francis. “Kung hindi po, tatawag na lang ako.”

Napangiti si Myra. “Ang bait-bait mo talagang bata. O sige na. Baka ma-late ka pa dun sa pupuntahan mo.”

* * * * *

Nagising si Mara nang marinig niya ang pag-start ng makina ng kotse. Bumangon siya at lumabas ng kwarto. Mabilis pero maingat siyang bumaba ng hagdan. Pero, too late. Nakaalis na si Francis.

“O anak…”

Napatingin si Mara sa mama niya na noon ay nasa may gilid ng hagdan, nakatingala sa kanya.

“Bakit ka nandyan? Bakit hindi ka bumaba?” tanong ni Mrs. Fortaleza.

“Saan nagpunta si Francis?” tanong ni Mara na iba ang boses dahil sa sipon.

“Si Francis?” Tumingin si Mrs. Fortaleza sa pinto. “Umalis, may kikitain daw siya.” Tumingin ulit si Mrs. Fortaleza sa anak niya ng may ngiti. “Siguro makikipagkita siya dun sa girlfriend niya…”

Bumagsak ang mukha ni Mara. Makikipagkita nga ba ulit si Francis kay Cindy? Siguro nga. Mahal pa rin nga ni Francis si Cindy kahit ano pang ginawa nito sa kanya. Hindi naman basta-basta aalis si Francis.

“Bakit, anak? Nagseselos ka ba?”

Napatingin si Mara sa mama niya na nakatingin sa kanya with sympathy pero nakikita niya sa mga mata nito na parang natutuwa pa ang mama niya dahil nalungkot siya.

Umiling-iling lang si Mara at bumalik na ng kwarto niya.

* * * * *

“Pinsan! Dumating ka!”

Nakasimangot si Francis habang papalapit siya sa pinsan niya.

“Akala ko hindi ka na naman darating e,” sabi ni Sid. Inakbayan niya kaagad si Francis nang makalapit ito.

My One and Only HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon