Chapter 19
Lumabas si Francis ng gate ng bahay ng mga Fortaleza kasunod si Mara.
“O bukas, ikaw naman ang mag-dinner sa bahay a…” sabi ni Francis.
“Oo, sige. Nabanggit ko naman na kay mama yan e…” sagot ni Mara.
“Anong oras pasok mo bukas?”
“Umaga e. Mga 8…” sagot ni Mara.
“Ahh… ako, mga 12 pa. Sunduin kita dito?”
“Wag na,” may ngiting pagkasabi ni Mara. “Alam ko namang hassle sayo ang gumising ng maaga. Ako na lang mag-isa pupunta doon.”
Napangiti si Francis. “Ayos lang sakin. Ano, susunduin kita?”
“Wag na nga. Araw-araw naman tayong nagkikita sa school…”
Natawa si Francis. “O sige na nga.”
Hinalikan ni Francis si Mara at tinignan ang reaksyon nito. At napangiti na lang siya dahil, as expected, namumula si Mara.
“Bye!” sabi ni Francis.
Matipid na ngumiti si Mara at kumaway kay Francis. “Bye…”
Nginitian ni Francis si Mara bago sumakay ng sasakyan at lumabas ng subdivision. Nag-stop by siya sa isang maliit na grocery store para bumili ng sports drink at ng hair wax. Palabas na siya ng grocery nang tumunog ang bago niyang business phone. Nakita niyang unknown number ang tumatawag. Curious, sinagot ito ni Francis.
“Hello?”
“Remember me?” sabi ng kabilang linya.
Nanlamig ang buong katawan ni Francis. Paano naman niya makakalimutan ang boses na iyon? E ang nagma-may ari ng boses na ito ay ang babaing minsang minahal niya ng buong puso.
“Cindy…” pabuntong-hininga pagkasabi ni Francis.
“Natatandaan mo pa pala ako. Well, ako nga lang naman ang dating kinababaliwan mo…”
Hindi gusto ni Francis ang pananalita ni Cindy. Hindi alam ni Francis kung paano ba nakuha ni Cindy ang bago niyang number pero hindi ito ang priority niya ngayon. Ang priority niya ay matapos na ang conversation na ito.
“Oo,” sagot ni Francis. “At pinagsisisihan kong kinabaliwan ka. Mabuti nga hindi ako napunta sa mental e. If you don’t mind, may bago na akong kinababaliwan ngayon. At alam kong worth it ang pagiging baliw ko sa kanya.”
Naramdaman ni Francis, kahit na nasa cellphone lang sila nag-uusap, na parang naging uncomfortable si Cindy. “Kayo na ni… Mara?”
Natawa sarcastically si Francis. “Surprised? Akala mo habang buhay kitang hahabulin? Nagkakamali ka. Isa na naman ito sa mga malalaki mong pagkakamali. Kailangan ko nang ibaba ito.” Ibababa na sana ni Francis ang cellphone nang marinig niya ang pleading voice ni Cindy,
“No! Wait. May sasabihin pa ako…”
Naghintay si Francis sa sasabihin ni Cindy.
“Kailangan ko ng kaibigan ngayon. Pwede mo ba akong puntahan?” sabi ni Cindy.
“At bakit naman kita pupuntahan?”
“Sige na, Francis. Kailangan ko lang talaga ng makakausap…”
Hindi alam ni Francis kung bakit ang puso niya na ino-occupy na ni Mara ay biglang nag-give in. Parang ang dating space sa puso niya na nagmahal kay Cindy ay nagsalita ulit at sinasabing pagbigyan ito. Tutal, wala naman siyang masamang gagawin.
BINABASA MO ANG
My One and Only Housekeeper
Teen FictionThis is a romantic comedy love story that tells it's all worth it when you do it for love. Mara Fortaleza didn't really believe that someone will be able to love her for who and what she is. Until guy-next-door Francis Martinez came. Francis was the...