Chapter One

94 15 3
                                    

Chapter One.

Dedicated to little_monster59 ❤
---------------------------------------

Yasmin's Point Of View

          "You're grounded, 1 week no using of elemental magic and your ability. That's final and that's my rule." sabi ni Mom at umupo sa sofa.

As if you can stop me from using those.

"And yes, we can." napatingin naman ako kay Dad na ngayon ay nakangisi sakin. Ugh! He read my mind for nth time. Damn that mind reading.

"Stop reading my mind, dad!" I rolled my eyes and I went upstairs. Nakakainis dahil ginagawa nanaman nila akong bata. Gusto ko lang naman makapunta sa mundo ng tao at tignan kung paano mamuhay yung so-called-mortal enemies namin eh. And yes, I break the rule at pumunta ako sa mundo ng mga tao kanina lang kaya eto ako ngayon... grounded.

"Yaya!" sigaw ko, wala pang dalawang segundo nang nandito na agad siya sa harap ko. Ginamit niya nanaman yung vampire speed niya.

"Fresh blood please." tumango naman siya at nawala nanaman sa paningin ko. Sigurado na akong pumunta siya sa ref at kumuha ng gusto ko. Kinuha ko yung laptop ko saka ito nilapag sa kama, dumapa ako at nagsimula na akong mag search na pwedeng puntahan sa human world kung saka sakaling makalusot ako kila mom and dad.

Sobra akong naa-amaze ngayon sa nakikita ko. Is this the human world? Wow, I didn't expect this beautiful view infront of me. Akala ko isang patapon na mundo ang mundo ng mga tao but I was wrong. I'm totally in awe. High buildings, trees, humans, and everything. God! This is insane!

Naglakad ako at pumasok sa isang shop. Candy world. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang nasa loob ng shop na 'yon. Sobrang daming bata ang nagkalat sa shop. I know my stomach wouldn't accept foods like these but it's not bad if I gave it a try.

"Hmmm... isa nga po nito.... at nito!" excite kong sabi habang tinuturo ko yung gummy bears at gummy worms. Binigay niya sakin ang magkahiwalay na sapot na may laman na candies, at kinapa kapa ko yung bulsa ko para sana magbayad kaso natandaan ko na wala nga pala akong dalang pera. Oh no.

"Thank you! Please come again." napatingin ako sa cashier. Weird. Thank you daw eh hindi pa nga ako nagbabayad. Ganun ba utak ng mga tao?

Napatingin ako sa lalaking matangkad, maputi, may light brown na buhok, may matangos na ilong, mapulang labi, at mabango na nasa tabi ko. And if I wasn't mistaken, brown yung mata niya na may pagkahalong red. Almost red na yung mata niya.

"It's free... for now. Bayaran mo nalang ako kung sakaling magkita ulit tayo." sabi niya in a manly tone. Napangiti ako at tumango saka umalis sa shop.

God! Hanggang ngayon may kakaibang pakiramdam akong nararamdaman sa tuwing inaalala ko yung itsura niya. Parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko tapos nag-iinit yung mga pisngi ko.

Siguro after one week mababayaran ko na si Mr. sweet scent dahil dun ko magagamit yung teleporation at yung iba pang abilities ko. Binigyan kasi ako nila mom and dad ng dalawang sapphire bracelet at sinuot nila yon sa dalawang kamay ko, those bracelets are used to stop the energy that a vampire can release and produce power kaya nga hindi ko magagamit yung abilities ko. May spell ring naka encode sa bracelet na yun na mab-break lang after one week, may kaibigan kasi si mom na witch kaya nagkaron siya ng bracelet na yon. Tss ready'ng ready sila na magrounded ako. I'm a hard-headed girl and I'm proud to say that.

"Here." halos atakihin ako dahil biglang sumulpot si Yaya Trev sa gilid ng kama ko. Hindi ko manlang namalayan yung presence niya dahil masyadong pre-occupied ang utak ko.

"Yaya?! Wag ka nang gumamit ng vampire speed mo kapag nasa bahay lang tayo kasi mamatay ako ng dahil sa'yo eh." sabi ko habang nakahawak ako sa dibdib ko na sobrang lakas ng kabog.

"Hehe sorry babygirl, kahit naman mamatay ka kaya pa rin kitang buhayin no." then she giggles. Yeah, healing din ang isa niya pang ability kaya may yaya na nga kami, may doctor pa. Haha!

"Eh? Kahit na. Nagugulat pa rin ako." sabi ko at kinuha ko na yung fresh blood na nakalagay sa isang transparent glass at ininom ko 'yon. Naglakad na si yaya Trev palabas ng kwarto ko kaya tumawa ako ng mahina. Sinunod niya kasi yung sinabi ko eh. Nung naubos ko na yung drink ko, inayos ko na yung sarili ko at pumasok na sa school. Di ko nga alam kung anong trip nila mom and dad dahil yung bahay namin ay naka locate sa loob mismo ng school na pinapasukan ko pero sa pinakalikod na part ng school, sa likuran ng mga buildings.

Vice president si Dad sa school at Secretary naman si Mom pero di ko pa rin alam kung bakit trip nilang maglagay ng bahay sa loob ng school.

Kinuha ko yung bag ko at bumaba na. Palabas palang ako ng pinto nang magsalita si mom.

"Hey just don't try to remove your bracelet dahil baka masaktan ka." napakunot naman ako sa sinabi ni mom kaya sinubukan kong tanggalin yung bracelet pero nakuryente lang ako. Sht?!

"Really a hard-headed girl, kakasabi ko lang eh." tapos umiling iling pa siya. Kasalanan ko bang nacurious ako kung bakit? Tss.

"Wala ba kayong gagawin ni dad sa school? Bakit nandito kayo?"

"We have something to do na hindi naman kailangang gawin mismo sa school, more like... homework namin." natatawang sabi ni dad. Hindi naman ako natawa sa sinabi niya dahil wala naman talagang nakakatawa kaya umalis na ako sa bahay.

**

"So... grounded ka?" tanong ni sandra kaya tumango ako dahil totoo naman. Tumawa siya kahit wala namang nakakatawa. So hobby na ba ng mga tao ngayon ang tumawa kahit walang nakakatawa?

"Dapat kasi di ka nagpahuli eh." natatawa ring sabi ni Sidney.

"Yasmin wag ka makinig kay Sid, napaka bad influence talaga ng babaeng yan." sabi ni Cade saka tinuro si Sidney kaya agad siyang nakatikim ng suntok.

"Kahit naman di ako magpahuli, malalaman at malalaman pa rin ni Mom yun no. Remember? Kaya niyang malaman kung nasaan ang isang tao lalo na kapag nahawakan niya na yung taong yun. Ginamitan niya ako ng pathfinding." sabay irap ko sakanila.

"Your mom's ability is definitely cool." amaze na amaze na sabi ni Derick. Anong cina-cool nun? Tss.

Nakwento ko sakanila kung anong ginawa ko kaya ako grounded. At first, shocked at hindi ko malaman kung ano bang reaction ang meron sila pero it turned out that they're also amazed. Well, the first rule ng mga vampires ay 'never get too attached to humans and never go to their world' but life isn't about obeying all rules, right? Sometimes you have to break the rules too. Nakuwento ko rin sakanila kung paano ko na-meet si Mr. Sweet Scent at kung paano ako nagkautang sakanya.

"Omg, I want to meet him too!" excited na sabi ni Sidney kaya sinamaan siya ng tingin ni Cade. Tumaas naman yung isang kilay ni Sidney at tumingin kay Cade.

"Do you like him?" tanong sakin ni Derick. Napunta tuloy sakin yung atensyon nilang apat at naghihintay ng isasagot ko.

"No." sabi ko tapos nagsimula na ulit silang magkulitan.

I guess? 


The first who break the rule Where stories live. Discover now