Chapter Seven

37 9 0
                                    

Chapter Seven.

Nagising ako sa isang malaking asul na kwarto. Maliit lang ito kumpara sa kwarto ko. Tumayo ako upang tignan ang bintana kaya nakaramdam ako ng konting pananakit ng binti ko. Hinawi ko ang kurtina at bumungad sakin ang mga daanan na punong puno  ng mga sasakyan. Mukhang nasa mataas na parte kami ng building dahil malawak ang natatanaw ko mula dito sa bintana.


Nasaan ako? Nasaan kaya yung mga kaibigan ko? Maayos lang kaya ang lagay nila? Kahit papaano ay hindi nawala sa isipan ko ang kalagayan ng mga aking kaibigan. Unang beses palang nilang makakapunta rito at sigurado akong hindi pa nila kilala ang mga tao sa paligid nila, maski ang mga lugar ay wala silang alam. Saan kaya sila tumutuloy ngayon? Maayos kaya ang pagtrato sakanila? Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na hinga.


Hindi ko makakayanan kung may mangyaring masama sakanila gayong ako ang dahilan kaya sila napadpad dito. Kung mayroon mang dapat sisihin ay ako 'yon. Wala silang inisip kundi ang pakanan ko pero hindi ko man lang inisip yung kanila.


"Gising ka na pala." pumasok ang isang lalaki sa kwarto ko at tinignan niya ako mulang ulo hanggang paa na para bang sinusuri kung may masakit saakin.


"Keith..." ayon sa hubog ng katawan at tangkad nito ay masasabi kong si keith ang nasa harap ko ngayon. Napako ang tingin ko nang mapagtantong kulay light brown ang buhok nito at nakatingin sakin ang mapula niyang mata.  Si Mr. sweet scent?


"Keith ang pangalan mo?" tanong niya at ngumiti. Sht, ang pogi. Umiling ako ng dahan dahan at sinuklian ang ngiti niya.


"Y...yasmin ang panglan ko." nauutal na sabi ko habang tinititigan ang mga mata niya na ngayon ay naging hazel brown. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko at tinignan ko 'yon.


"Chase," tinanggap ko naman yung kamay niyang nakalahad sa harap ko at binigyan ko siya ng isang friendly smile. Nang mahawakan ko ang kamay niya ay parang nag-init ang pisngi ko at may kuryenteng dumaloy sa buong sistema ko. Umiwas ako ng tingin dahil baka mahalata niyang namumula ako, mahirap na.


Niyaya niya ako na pumuntang kitchen dahil magluluto raw siya ng pagkain. Sakto at kumukulo na rin yung tiyan ko sobra kaya akong napagod kanina.


Umupo na ako sa kitchen stool at pinagmasdan siya habang naghihiwa siya ng kung ano ano, hindi ko maiwasang mamangha at hangaan siya dahil marunong siyang magluto. Sino kaya nagturo sakanya nun? Siguro magaling rin.


Inilapag niya ang dalawang platong may laman na meat pero hindi ko alam kung anong luto, dahil gutom na rin ako hindi na ako nagabala pa para magtanong. Umupo siya sa tapat ko at kumain na rin. Bigla ko nanaman naalala yung mga kaibigan ko. Magkakasama kaya sila? Sana.


"Uhm, Chase?" tumingin ako sakanya at iniangat niya ang ulo niya para magtama ang tingin namin, hindi siya nagsasalita at hinihintay ang susunod kong sasabihin. "Thank you pala sa pagligtas sakin kanina." wala sa sariling napangiti ako nang ngumiti siya. Nakakahawa ka.


"Wala 'yon, marami talagang lasinggero dun sa lugar na yon. Buti na nga lang at napadaan ako don galing sa 7/11 at nakita agad kita baka nagawan ka pa niya ng masama." sumubo siya ng pagkain pagkatapos yun sabihin.

The first who break the rule Where stories live. Discover now