Chapter Fourteen

20 10 0
                                    

Chapter Fourteen.

Pagkatapos namin sa photobooth ay kumain muna kami saglit sa DQ. Natawa ako nang makita ko ang ice cream sa gilid ng labi ni Chase kaya kumunot yung noo niya.


"Para kang bata kumain ng ice cream." natatawa kong sabi saka ako sumubo. Mukhang na-gets naman niya yung sinabi ko tapos ngumisi siya.


"Wipe it for me." nakangisi niyang sabi kaya napataas ang kilay ko. Tinaas niya ang magkabilang kamay niya na puno ng dala, yung kanang kamay niya ay may hawak na paper bags at yung kaliwang kamay niya naman ay may hawak na ice cream.


Kumuha ako ng tissue tapos pinunasan ko yung labi niya. Hindi ko maiwasan na mapalunok tuwing tumatama ang tingin ko sa labi niya. Pagkatapos ko punasan yon ay kumain na ako muli ng ice cream tapos si Chase naman yung tumatawa ngayon.


PERO TEKA LANG


The nature is calling me.


Nagpaalam ako sakanya na magc-CR lang ako kaya tumango siya. Sabi niya maghihintay nalang daw siya sa labas ng comfort room kaya sabay kaming naglakad papunta ron.


Pumasok ako sa pinakahuling cubicle at umihi ako, hindi pa naman puno yung sanitary pad ko. Oh, gulat kayo no? Meron ako ngayon kaya wag niyo akong galitin.


Lumabas ako sa cubicle at naghugas ng kamay. Saglit akong napatingin sa repleksyon ko sa salamin na nasa harap ko. Ang ganda ko talaga. Napansin ko rin yung babae sa pangatlong lababo na nagli-lipstick. Dumako yung tingin niya sakin kaya napaiwas ako ng tingin.


"Bet you don't know everything about him. You don't know who he really is." napatingin ako ulit sakanya at saktong nakatingin rin siya sakin. Ako kaya yung kinakausap niya?


"Yes, I'm talking to you." nanlaki ang mata ko nang mabasa niya ang nasa isip ko. Is she a v--- pale skin, vampire gene, and mind reading. Sht. This girl is a vampire. No doubt.


"A... ano bang sinasabi mo?" tanong ko habang nakakunot ang noo ko.


"Well, it's for you to find out. Nice to meet you." sabi niya at nilagay niya ang kanyang lipstick sa make up kit at lumabas. Lutang akong naiwan dito habang hinuhugasan ang kamay ko. Ano bang sinasabi niya? Kung ano pa man yon, hindi ko na aalamin dahil ang sakit na ng ulo ko sa kakaisip. Umiling ako saka lumabas ng CR.


Nakita ko si Chase na nakatayo habang nakasandal siya sa pader at naka cross yung arms niya.


Pumunta kami sa parking lot dahil may pupuntahan pa daw kami na di ko alam kung saan. Nilagay niya lahat ng ipinamili namin sa likod ng kotse. As usual, nakaupo nanaman ako sa passenger seat.

The first who break the rule Where stories live. Discover now