Chapter Ten

26 9 0
                                    

Chapter Ten.

"They're so desperate! Damn it!" padabog na umupo si Keira sa sofa at umupo ako sa tabi niya. Ano ba mga sinasabi niya? Hindi ko maintindihan dahil wala naman akong alam tungkol sa sinasabi niya at nangyari kanina. Akala ko ligaw na bala lang yung tumama but it is more than that.


"Sino ba sila? Why are they doing those?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas nalang ng kusa ang mga tanong na 'yon sa bibig ko.


"They are the Vampire Assassins, their leader is Hector Collado. Expert siya when it comes to vampire as in! Kaya niyang i-identify if vampire ang kaharap niya or not. They are the most popular, famous and successful assassinators in the whole world, that they can kill a vampire in just a minute." her voice cracked, may nagbabadya nang tumulo sa mga mata niya pero agad niya itong pinunasan.


Why is she affected?


"As far as I know, they're experimenting some weapons that requires a vampire royal blood and that's rare. Kaya lahat ng vamps na nahuhuli nila na hindi naman nagtataglay ng royal blood ay tuluyang pinapatay at hindi ko na alam kung ano ang ginagawa nila 'don."


Royal blood? Napa-takip ako ng bibig at nanlaki ang mata.That will not happen. Never.


"Ang sama nila." wala sa sarili kong sabi habang nakatingin sa kawalan. Napatango nalang siya at huminga ng malalim. I can see a demon inside her, a demon that she's trying to hide.


"They really are! Pinatay nila ang mama ko, siya na nga lang ang natitira sakin pero kinuha pa nila. I will give my mom a justice! She doesn't deserve it. She's a good mother at all. Those demons should experience torture... more than torture!" nakita ko ang pagtiklop ng kamao niya. Nanginginig kong nilagay ang kamay ko sa likod niya at hinaplos ito.


Kung nakakatakot siya kanina ay mas nakakatakot siya ngayon. Ngayon palang kami nagkakilala but she's opening up a topic in front of me which is I appreciate dahil pakiramdam ko ay pinagkakatiwalaan niya ako, ganun rin ako sakanya.


Wala akong ibang maramdaman sakanya kundi awa. Mag-isa nalang siya ngayon at isa yon na rason kung bakit siya matapang. If that happen to me then I think I can't survive only with myself.


"Kailangan nating mag-ingat lalo na't alam na nila kung nasaan tayo at kahit anong oras ay pwede silang umatake at gawin ang mga gusto nila. You are one of my responsibilities now dahil madadamay ka dahil sakin. Kung hindi ako naging friendly sa'yo, hindi nila malalaman na may bampira pa sa area na 'to."


Napangiti ako ng bahagya. Iingatan ko ang sarili ko hindi lang para sa mga malalapit sakin kundi pati na rin kay Keira. Alam kong ako nalang ang natitira sakanya at ayaw niyang mawala pa ako sakanya. Well, if that's the case, I should and I will protect her too.

The first who break the rule Where stories live. Discover now