Chapter Sixteen

20 4 0
                                    

Chapter Sixteen.

Isa isa ko silang tinignan sa mata. Mukhang seryoso nga sila mom and dad sa sinasabi nila na kapatid ko na si Ria. Like what the fuck? I didn't expect all of these to happen, and I don't want this to happen.


"Roberto Santos is a great friend and business partner, malaki ang utang na loob namin sakanya. Siya nalang ang natitirang kamag-anak ni Ria but then, he died. So, your mom and I decided to adopt Ria and she's now a campbell, and your sister." dad explained. Tinignan ko si ria at ngayo'y naka-ngisi na. I rolled my eyes at her.


Nagpatuloy lang kami sa pagkain at nanaig ang katahimikan. Walang nagsasalita saamin. Kahit kailan hindi ko pinangarap na maging kapatid si Ria. Never. Pero wala na akong magagawa, dad's word is a rule. Hindi ko lubusang maisip kung ano ang mangyayari dito sa bahay sa mga susunod na araw. There will always be a war.


"Alright, pupunta na kami sa school. Sunod nalang kayo." mom said and kissed our foreheads. At ngayon, kami nalang ni Ria yung natira dito sa dining table. Great.


Tumayo na ako at naglakad papunta sa kwarto ko. Napahinto ako saglit nang bigla siyang magsalita.


"Hi, sister." Ria said and I know she's teasing me. Napairap nalang ako sa hangin at nag-ayos na ng sarili, pagkatapos non ay pumunta ako sa sala para tignan kung may nakalimutan pa ba ako bago ako pumunta sa school.


"Aren't you happy that I'm here?" tanong niya at umupo sa sofa habang nilalaro niya yung buhok niya gamit ang kanyang hintuturo. I mentally rolled my eyes and ignore her.


"Hmmm... mapapasakin na yung pwesto mo. Ang saya, 'di ba?" natigilan ako nang sabihin niya yon gamit ang mapaglarong tono ng boses niya.


"How desperate." I said, sending her a glare. "At hinding hindi mo makukuha yung pwesto ko at kung anong meron ako. Put this in your mind, I'm older than you at hindi ka pwede para sa pwesto ko."


Tumawa siya ng mahina at pumalakpak pa.


"What a nice conclusion." at pumalakpak ulit siya ng dalawang beses. "Ria gets what she want. Kaya kong makuha yung pwesto mo kung gugustuhin ko... by killing you."


"Ganyan ka na ba talaga ka desperada? Papatay ka para lang makuha yung gusto mo? How pathetic." pagkasabi ko non ay lumabas na ako ng bahay at pumunta sa school.


I have this eerie feeling to Ria's words, knowing na kaya niya gawin lahat ng gusto niya. Like what she said earlier, Ria gets what she want at hindi imposibleng gawin niya 'yon.


Pumunta ako sa office para ayusin yung papers ni Keira, para makapagsimula na siyang pumasok ngayon. Pumunta na rin akong faculty mall para bilhin yung uniform at school supplies. Pagkatapos non, inabot ko yung mga pinamili ko sa isang guard at inutusan ko siyang ibigay kay Keira yon. 

The first who break the rule Where stories live. Discover now