Chapter Twenty-seven

2 1 0
                                    

Chapter Twenty-seven

Chase's Point of View
Mabilis tumakbo ang oras at nag-uwian na. Dinaanan namin sila Yasmin sa classroom nila para sunduin. Sila ay didiretso sa dorm samantalang kami ni Yasmin ay didiretso sa office ni Mr. Campbell.


"Uhm, pupunta lang kami sa office ni dad. Pinapatawag kami." nakangiting sabi ni Yasmin sakanila. Ngumiti nanaman si Cade at Keith ng nakakaloko!


Ayan nanaman sila eh.


"Ano?!" inis na tanong ko sakanila.


"Wala pala ah... Sige! Sabi mo eh!" sabi ni Keith at kumindat sa'kin. "Hays dapat di nalang ako sinama eh, third wheel lang ako."


"Ingat kayo ah! Hehehehehehe. Yasmin, pag nahulog si Chase saluhin mo ha?" nakangiting sabi naman ni Cade kay yasmin dahilan para mapataas ang kilay niya.


Bakit ba iba ang dating sa'kin ng sinabi niya? Parang bukod sa sinabi niya ay may iba pang meaning yun!


"H-huh? Bakit naman siya mahuhulog?"


"Ah, eh, wala. Wala! Diba kasi ma kahoy yung daan sa bahay niyo? Baka kako madapa si Chase, baka mahulog. Hehe." nanunukso pa rin ang tingin ni Cade.


"May alam ba kayong hindi namin alam?" nakapameywang natanong ni Keira habang nakataas ang isang kilay. Ang ngiti niya'y may ibang kahulugan rin.


Badtrip! Lahat nalang sila ganyan makatingin, akala mo nakagawa ako ng napakalaking kalokohan. Psh.


"Kaasar kayo, hahahaha. Una na kami, susunod nalang kami after ng meeting." sabi ni Yasmin.


"Oo nga, aalis na kami." sabi ko habang kunyaring tinataboy sila. Natatawa naman silang tumalikod sa'min at itinaas ang kanang kamay nila at kumaway.


"Okaaaaaay." kahit ang boses nila ay kakaiba rin! Yung tipong nangaasar o nangiinis. Ganun, hays!


Naglakad na kami nila Keith at Yasmin at mabilis naming narating ang bahay nila. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kanina sa canteen, yung eksena nila Yasmin at Ivan. Hindi ko nga alam kung bakit nakaramdam ako ng inis nung makita ko silang dalawa eh.


Siguro kasi naiinis ako na makakita ng mga lalaking ang lakas ng loob manloko tapos sa dulo kung magbait baitan kala mo walang ginawang mali.

The first who break the rule Where stories live. Discover now