Chapter Twenty-one

10 5 0
                                    

Chapter Twenty-one.

Yasmin's Point Of View

Ilang minuto muna kaming nag-stay sa hallway dahil hindi ako pwedeng bumalik sa field na namumugto yung mata ko.


Wala naman na kasi talaga eh. Wala na. Oo, wala na akong pake sakanya kapag di ko siya nakikita. Pero pag nasa harap ko na siya para ko nang kinakain lahat ng mga sinasabi ko. Gusto ko siyang sampalin gusto ko siyang saktan ng paulit-ulit at gusto ko rin siya gamitin panakip butas para maramdaman niya yung mga nararamdaman ko. Bakit ba kasi kung kelan ayaw ko siyang makita saka siya susulpot? Nakakainis.


"Tara na. Hinahanap ka na nila," sabi ni Sandra kaya tumayo na kami at naglakad palayo. Dumaan kami sa entrance ng field, alangan naman sa exit. Duh. Nagsimula na kaming maglakad sa mahabang red carpet na stage ang dulo. Ako nasa gitna, si Cade at Derick nasa kaliwa ko habang si Sandra, Keira at Sidney ang nasa kanan ko. Ganito palagi ang formation namin tuwing may event, nadagdag lang nga si Keira.


Lahat ng mata nakatingin saamin, pinagmamasdan ang bawat hakbang na gagawin namin. Humiwalay sakin ang mga kaibigan ko at naupo sila sa VIP seat, at dumiretso ako sa stage. May tatlong royal chairs na nakahanda. Nakatingin at nakangiti sakin ang mga magulang ko habang nakatayo sila sa tapat ng mga upuan nila. Nag bow ako kaya umupo na kaming tatlo.


Ilang minuto na ang lumipas di pa rin nagsisimula yung event. Tinap ko yung fingers ko sa arm ng chair dahil bored na bored na talaga ako. Yung ibang staff nagsisimula na ring magkagulo, di ko alam kung bakit. Nandito naman na kami, kumpleto na lahat. Everything is set. Ano pa ba ang kulang?


"Paging Chase Salazar. At the backstage please."


Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang sinabi ng emcee. Totoo ba? I shook my head. Baka nabingi lang ako kakaiyak. Imposible namang mapunta yun dito, tao siya. He does not belong here. Walang lugar ang mga tao sa mundo namin.


Tama. Wala siya dito. Hindi naman si chase ang hinihintay ng lahat.


"Dad, excuse me for a while. Kailangan kong mag-CR." pero syempre hindi naman ako pupuntang CR dahil baka makita ko nanaman yung dalawang malanding yun. Tch. I'll just go somewhere. Bored na kasi talaga ako.


I was about to go when I felt a hand hold my arm.


"No, stay. The event will start. See?" sabi ni Dad kaya umupo ako dahil hinigit niya ako paupo sa upuan ko. Nginuso niya yung emcee na ngayon ay nakatayo sa right corner ng stage na mukhang sisimulan na ang event.


"Ladies and gentlemen, we are all here to celebrate the 18th year of existence of Keith and Chase salazar."

The first who break the rule Where stories live. Discover now