Chapter Twenty-four

15 1 0
                                    

Chapter Twenty-four.

Chase's Point Of View
Pagkatapos gamutin nung nurse yung sugat ko ay tumayo ako agad. Medyo nabawasan na yung sakit kumpara kanina. Fast healing... perks of being a vampire.


"Tch. Wag mo munang piliting gumalaw, baka mabigla ka." sabi ni Derick. Ngumiti ako.


"Okay na ako, kaya ko na." sabay sabay kaming lumabas ng clinic at dumiretso sa canteen. 15 minutes pa bago magsimula yung susunod naming klase. Pumila na ako sa line at um-order.


"Eto na oh." sabay abot niya sa'kin ng pagkain.


"Salamat." pagkatapos ay bumalik na ako sa table namin.


"Ano bang nangyari?" bungad na tanong sa'kin ni Sandra pagka-upo ko. Kinwento ko sakanila lahat ng nangyari.


"Grabe naman pala! Dapat pinatay mo na yun eh!" inis na sabi ni Sidney kaya natawa kaming lahat. Kung pwede lang eh.


"Nako aaahhh...." nakangiting sabi ni Cade habang tinataas taas pa ang dalawa niyang kilay.


"Psh. Don't get me wrong, ginawa ko lang kung ano yung dapat." sabi ko at kumagat sa binili kong burger. Tinignan ako ni Keith ng nakakalokong ngiti. "What?"


"Talaga lang ha?" natatawa niyang sabi. Di ko nalang siya pinansin at kumain ulit. Ayoko kasi na may binabastos na babae, lalong lalo na si Yasmin. At isa pa, parte ng trabaho ko ang protektahan siya. Kahit anong mangyari.


"Nasa'n nga pala si Yasmin?" tanong ko nang mapansin kong wala siya. Kanina ay umalis siya sa clinic pero hindi na bumalik. Saan naman kaya nagpunta yun?


Bakit ba kasi hindi mo nalang siya hayaan? May sariling isip naman yun. Alam niya ang tama sa mali. Tama! Tama ka chase. Stop worrying.


"Kanina nag-walk out yon eh, hindi ko alam kung saan nagpunta." sabi ni Keira.


"Baka naman nagpahangin lang?" sabi naman ni Sandra kaya nagkibit balikat nalang kami.


Pagkatapos namin kumain ay dumiretso kami sa building kung saan nandon yung technology room, sabi kasi sa sched ko ay technology class ang susunod naming klase. Pagpasok namin 'don ay may iilang estudyanteng nakaupo na sa kanya kanya nilang upuan. Hindi ko maiwasang mamangha dahil lahat ng weapons na hinahangaan ko ay nakikita kong nakasabit sa gilid. At halatang hi-tech lahat ng gamit dito. Tss, kaya nga technology room eh malamang ay hi-tech lahat ng gamit.

The first who break the rule Where stories live. Discover now