Chapter Five

44 11 1
                                    

Chapter Five.

Dedicated to @queenAB123! ❤
---------------------------------------

Natapos na yung klase ni Sir Max kaya pumunta na ako sa next subject ko, buti nalang at kasama ko na yung apat na kupal kong mga kaibigan kundi baka mabored nanaman ako. Hintayin ko lang na matapos 'tong isang subject na 'to, uwian na... masasagot na yung mga tanong na kanina pa bumabagabag sa utak ko.


"Uy!" sabay pitik ni Derick ng mga kamay niya sa tapat ng mukha ko kaya bumalik ako da realidad.


"Mygosh Yasmin! Sobrang dami na naming nasabi sayo at napagkwentuhan pero hindi ka pala nakikinig. Sayang yung laway ko," nakabusangot na sabi ni Sidney at halata mo ang pagkakadismaya niya. Tss daming arte, parang laway lang eh di naman siya mauubusan ng laway.


"Ang lalim ng iniisip mo. Ano ba yun?" tanong ni Sandra ng nakakunot ang noo kaya napunta sakin ang atensyon nilang apat. Kahit na nagdidiscuss sa harapan yung teacher namin di namin siya pinoproblema, di niya rin naman kami pinapakialaman kaya okay na yun.


"A...ah, si a...no, si Mr. sweet scent." pagkasabi ko nun ay inirapan ako ni Sidney at binigyan ako ng 'parang-yun-lang' look. Minsan talaga ang sarap kumuha ng tinidor saka tusukin yung mata niya eh. Pero, good girl ako so no thanks.


Good girl is bad girl that haven't been caught.


"Pero tao si Mr. Sweet scent na sinasabi mo. Hindi ba nagbago yung pagtingin mo sakanya simula nang malaman natin kanina sa history class kung paano nila sinubukang patayin si Amelia?" nakakunot na noong tanong sakin ni Cade.


"Pero hindi naman yung taong Mr. sweet scent yung tinutukoy ko eh. Yung bampirang kamukha ni Mr. sweet scent--ugh, I mean si Keith." lalong kumunot ang noo nilang apat. Kinwento ko sakanila yung nangyari kanina sa Physics Class tapos napa-gasp si Sidney habang yung tatlo ay amaze na amaze at di makapaniwala sa sinasabi ko. Kahit naman ako di pa rin makapaniwala na parang carbon copy si Keith ni Mr. sweet scent 'no.


"Well, may usapan kami ni Keith na magkikita kami mamayang uwian. Ikukwento ko sakanya si Mr. sweet scent dahil curious rin siya kung bakit sila magkamukha." pa iling iling kong sabi sakanya.


"C...can I meet him?" excited na sabi ni Sidney na para bang nagningning yung mga mata niya kaya sinamaan siya ng tingin ni Cade pero di niya ito pinansin at naghihintay ng isasagot ko.


"Hmmm, maybe next time. But for now, kami muna ang maguusap." sabi ko at tumango naman siya. Saktong nag-ring yung bell kaya tumayo na kami at lumabas ng classroom, sinabi ko na rin sakanila na mauna na sila sa dorm at pupunta nalang ako dun pagkatapos namin magusap ni Keith. Well, kapag nasa mood ako sa bahay ako nags-stay dahil nga nasa loob siya ng school, pero pag trip kong kasama ang mga kaibigan ko sa dorm ako nags-stay.

The first who break the rule Where stories live. Discover now