Chapter Fifteen

35 8 0
                                    

Chapter Fifteen.

"Ready?" tanong ni Cade kay Keira na ngayon ay sinusulyapan ang buong bahay niya. Alam kong mahirap sakanya na iwan lahat ng nasimulan niya dito pero para rin naman sakanya 'to.


"Yes." bumuntong hininga siya at nagsimula na kaming maglakad sa gubat, gabi na rin ngayon kaya wala nang masyadong tao na nagkalat sa paligid. Agad silang gumawa ng portal at pumasok kami don, sinigurado namin na nakahawak kaming lahat sa isa't isa dahil kung may bumitaw ay baka maiba ang direksyon niya.


"Finally! Na miss ko yung hangin dito!" sabi ni Sidney habang sinisinghot yung hangin. I agree, fresh air kasi dito kesa sa polluted air don sa mundo ng nga tao.


Dumiretso kami sa dorm at syempre ka-dorm namin si Keira. Nag-usap usap sila para lalo pa nilang makilala kung sino si Keira, ngayon ko nga lang din nalaman na nag-aral na pala siya dito pero that was 11 years ago kaya nanibago siya sa structure ng school. Dati daw kasi, makaluma ang design ng PLU pero ngayon modern na ang itsura.


"Bakit ka pala napadpad sa mundo ng mga tao?" Sandra asked. Eto na, eto yung isa sa mga tanong ko na gusto kong masagot ni Keira. Hindi ko sakanya yan natanong noon and I think this is the time for me to know.


"Pero kung ayaw mo pa sabihin, hindi ka namin pipilitin. Baka kasi masama yung naging exp--" hindi na natuloy ang sasabihin ni Derick nang magsalita na si Keira.


"Dati kasi, my life is in danger. May protectors na nagbantay sakin dahil may mga bampirang sabik na makuha yung dugo ko. Noon, hindi ko alam kung bakit pero nalaman ko na dahil pala yon sa blood lust. At nung panahon na yon, hindi pa kontrolado ng council ang mga bampirang nawawalan ng kontrol sa sarili. Dumating yung araw na inatake ako ng sampung mga bampira and thank God na dumating si Felly- isa siya sa mga protector ko at nilayo niya ako. Dinala niya ako sa mundo ng mga tao."


I see... buti nalang pala at nagawan na ng solusyon ng council ngayon ang blood lust kung hindi ay marami ring bampira ang gugustuhing makuha ang dugo ko. Knowing na nasa highest rank ang blood ng Campbells.


"I treat Felly as my mom. Nung nangyari kasi yung pag-atake nila sakin, 6 years old lang ako. Ni hindi ko na nga maalala kung sino talaga yung totoo kong mga magulang kaya si Felly talaga yung kinilala ko bilang nanay ko. Dinala ako ni Mama sa mundo ng mga tao. Akala ko masaya na kami, akala ko wala nang magiging problema but I was wrong. When I was 12 years old, namatay si mama. Pinatay siya ng vampire assassins. Hindi ko alam kung bakit pero ang gusto ko lang ay mabigyan si mama ng hustisya." Keira's voice cracked at may mga luha na ring nagbabadyang tumulo.


Kapag talaga mama na ni keira ang pinaguusapan namin nagiging emosyonal na siya. I can see sadness in her eyes, not only sadness but also anger.


"Kaya ba ayaw mo pa sanang sumama samin?" tanong ko. Na-guilty tuloy ako bigla dahil pinilit ko siyang sumama dito, may reason naman pala siya.  "Sorry, kei."

The first who break the rule Where stories live. Discover now