Chapter Twenty-nine

6 0 0
                                    

Chapter Twenty-nine.

Ivan's Point of View
Maaga akong pumasok ngayon. Dumiretso ako sa classroom at nadatnan ko ro'n si Ria na nagce-cellphone. Inalis niya ang paningin niya sa phone niya nang mapansin niya ako saka niya ako nginitian.

"You're early..." mahinang sabi ko habang inilalapag ko yung bag ko sa upuan kong medyo malayo sakanya.

"Yeah. I don't want to be this early sana pero maaga ring umalis ng bahay sila mom and dad so nakisabay na ko." sabi niya habang lumilipat sa tabi ko. "How are you babe?"

"I'm all right---" napatigil ako saglit at tumitig sa leeg niya. May two dots na pula at alam kong hindi ako nagkakamali sa iniisip ko. "Ria... are you hiding something from me?"

"Huh? W-what do y-you mean?"

"May nangyari ba kaya maaga kang pumasok ngayon? Knowing na hindi ka naman pumapasok ng maaga palagi."

"Of course, n-none!"

"Eh bakit ka nauutal?"

"Wala nga sabi!" nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Nang makarecover ako ay nakaramdam ako ng inis! May ebidensya ako para paghinalaan siya pero bakit ayaw niya pang sabihin?

Nahalata niya siguro na naiinis na ako kaya nagpakawala muna siya ng isang buntong hininga. Hindi ako nagsalita at hinihintay kong magsalita siya.... lalong hindi ko alam kung bakit kating kati ako malaman kung ano ba ang nangyari.

"Okay fine! Kaninang umaga nauuhaw si Yasmin pagkagising niya, uminom na siya ng water but that's not enough so dad decided na papainumin nalang siya ng blood which is yung amin. That's why I got this two dots. Okay na?!"

Parang huminto ang paligid ko, paghinga ko pati na rin ang pagtibok ng puso ko dahil sa mga narinig ko!

"K-kamusta na siya? Okay lang ba s-siya?" sunod sunod kong tanong habang nagmamakaawang nakatingin sakanya.

"I don't know, umalis nga kasi ako sa bahay diba?" mataray niyang sagot saka siya umirap sa hangin. Inis kong ginulo ang buhok ko pagkatapos ay inilagay ko ang isa kong kamay sa bibig ko at ang isa pang kamay sa bewang ko.

Nakakabadtrip! All I want is to see her fine even when I'm not around but why is this happening?

"Aalis ako... pupuntahan ko si Yasmin." matigas kong sabi sakanya saka ko siya tinignan sa mata at akmang aalis na pero pinigilan niya ako at iniharap niya ako sakanya.

"W-why?!" gulat at inis niyang tanong.

"Anong why?! Masama na bang mag-alala? Krimen na bang maituturing kung pupuntahan ko siya at kakamustahin man lang?!" naiinis ako, oo... pero pinipigilan ko pa ng kahit konti dahil ayokong magdilim ang paningin ko at maubos ang pasensya ko ng tuluyan.

"Yes!! For me... it is! Ako ang girlfriend mo at alam mo bang kahit kailan hindi ka nagalala ng ganyan sakin? I'm fucking jealous! Malay mo ay okay na siya ngayon at hindi ka na niya kailangan don."

"But you're not even sure if she's okay or not. Maski ikaw ay di mo masasabing okay na siya dahil wala ka pa namang balita sakanya ngayon. Ria, it's final... I'm going to Yasmin." magsasalita pa sana siya pero nagsalita na agad ako. "Please... kahit ngayon lang." nagmamakaawang sabi ko.

The first who break the rule Where stories live. Discover now