Chapter Six

37 9 0
                                    

Chapter Six.

Pumasok na ako sa loob ng dorm at umupo sa sofa habang hinihilot ko yung sintido ko. Mygahd, kahit kelan talaga sakit sa ulo si Ria. Wala naman akong paki kung kunin niya sakin yung pagiging prinsesa ko dahil unang una, ayoko sa posisyon na binigay nila. Pangalawa, hindi ko ginustong maging prinsesa ng PLU. Pangatlo, hindi niya kaya na maagaw sakin yung pwesto ko.


Bukod sa pagiging Vice President at Secretary ng mga magulang ko, isa rin silang King at Queen ng PLU. Ang basehan kasi nila ay ang dugo na pinagmulan mo... knowing na dugo ng mga Campbell ang pinakamalakas sa lahat. Haaayyy, isaksak ko pa sa baga ni Ria yung pwesto ko kung gusto niya eh.


"Oh, mukhang stress ka ata." natatawang sabi ni Derick at umupo sa tabi ko. Kahit stress, maganda pa rin. *flips hair*


"Eh kasi naman yung Ria na yun, ugh! Naghanap pa ng away kanina. Yan tuloy, ginawa ko siyang yelo." naiinis kong sabi sakanya saka ako umirap sa hangin.


"That bitch, hindi na talaga nasikipan yung luwag ng tornilyo niya sa utak." sabi ni Sidney habang sinasawsaw yung cookies sa gatas.


"True." pagsangayon naman ni Sandra tapos tumango tango pa siya. Kahit yung mga kaibigan ko ayaw na ayaw kay Ria, syempre wala na siyang ginawa kundi mangagaw. Tss.


"Oh anong ganap dito?" lumabas naman si Cade galing sa kwarto ng mga boys saka nag-inat at humikab pa, halatang nakatulog na siya pero nagising lang dahil sa boses naming apat.


"Wala ka na dun, matulog ka na ulit! Chupiiii!" inirapan ni Sidney si Cade at tinaboy pa ito. Natawa nalang kami dahil hindi talaga natatapos ang araw na wala silang bangayan. Dahil antok na rin naman kami ay pumunta na kami sa kwarto namin at natulog.


               Maaga akong nagising kaya lumabas na ako ng kwarto saka nagayos, nadatnan ko si Cade na nasa dining table at si Derick na nagluluto ng breakfast.


"Himala, ang aga niyo." sabi ko saka umupo katapat ni Cade.


"Palagi naman eh." sabi ni Cade at nginitian pa ako. Ah, maaga? Palagi? Kaya pala palagi namin silang ginigising tuwing umaga. Tsss. Napa-irap nalang ako sa hangin. Inilapag na ni Derick yung platong may laman na hotdog at bacon at sakto namang lumabas na sa kwarto si Sidney at Sandra.


"Omg, is that bacon?" excited na tanong ni Sidney at umupo sa tabi ko. Inirapan siya ni Cade at bumuntong hininga.


"Mygahd, nakikita mo naman na eh. Duh!" sabi ni Cade habang ginagaya yung boses ni Sidney. Natawa kaming tatlo dahil umagang umaga ay nagaasaran sila. Nang matapos na kami kumain ay nagasikaso na at dumiretso sa classroom.

The first who break the rule Where stories live. Discover now