Chapter Eleven

33 9 0
                                    

Chapter Eleven.

Cade's Point of View.
          We only have 3 days to stay here. Yesss, straight english. Ang hirap pala maging englisher parang kinukuhaan ng sobrang daming dugo.


Umalis muna kami nina Sandra, Sidney, at Derick saglit sa hotel. Wala kasi kami masyadong magawa kaya naglakad lakad muna kami dito sa labas. Napaka-kj naman kasi ni Sidney at pinagtatapon niya yung harina sa basurahan, wala tuloy kaming malaro.


"Haaayyy, ang hirap maging pogi kahit saan may nakatingin sa'yo." Sigh. Habang naglalakad kami ngayon, andaming gurls na nakatingin sakin. Well, gwapong gwapo nanaman sila saakin.


"Kaya sila nakatitig sayo kasi mukha ka daw manyak. Pangit mo." sabi ni Sidney saka ako inirapan. Si sandra at derick naman nakikitawa, akala mo hindi ko sila kaibigan dahil di nila ako pinagtatanggol. Mga traydor! Hmp.


At eto? Etong mukhang 'to? Ha! Imposibleng maging pangit at manyak ang tingin nila sakin. Lahat compliment ang sinasabi sakin tuwing nakakasalubong ko sila samantalang 'tong si Sid wala nang puri ang nilabas ng bibig niya pag ako kinakausap.


"Ikaw pa lang ang nagsasabing pangit ako. Ikaw.Pa.Lang. Watch and learn!" sabi ko sakanya saka ngumisi. Yon ang totoo, siya palang talaga ang nagreject sa kagwapuhan ko.


May nakita akong chixx kaya nilapitan ko. Simple lang ang itsura niya pero maganda rin naman... hindi nga lang sexy. Hinawi ko pa ang buhok ko at tinignan ko siya sa mata.


"Hi miss." inilahad ko sakanya yung kamay ko at tinanggap niya 'to. Oha, iba talaga ang isang Cade Alverado.


"Hello."


"Can we see each other later?" tanong ko. Hay, kapag talaga pumoporma kailangang um-english para dagdag points eh. Tumango siya tapos sinabi niya sakin kung saan kami magkikita saka siya umalis.


Pero syempre, joke lang yun. Hindi ako makikipagkita sakanya. Hello? Baka rape-in niya pa ako 'no.


Lumapit ako sa mga kaibigan ko na nakakibit balikat saka ngumisi. Inirapan ako ni Sid habang si Sandra at Derick ay tinatapik ang braso ko. No one can't resist my handsomeness.


"Isa pa." sabi ko nang makakita pa ako ng isang babaeng nakasuot ng dress tapos may sling bag na nakasukbit sa balikat niya. Hindi siya kagandahan pero pwede na, siguro naman hindi niya ako ipapahiya sa mga kaibigan ko. Last na 'to at pag naakit ko pa tong isang to, ako na talaga ang gwapo.


"Hi miss." katulad ng ginawa ko kanina dun sa isa, hinawi ko ang buhok ko saka ko binigay sakanya ang aking makamandag na killer smile.

The first who break the rule Where stories live. Discover now