Chapter Eighteen

11 5 0
                                    

Chapter Eighteen.

Yasmin's Point Of View

Nag-indian sit kaming anim at pinalibutan namin ang lapida ni Jasmin. Hinawi ko ang mga tuyong dahon sa ibabaw nito. Sigh. Ten years na pala ang nakalilipas, ang tagal na.


"Sana nakilala ko rin siya para masaya. Maganda ba siya?" tanong ni Keith at tumingin sakin.


"Oo, pero mas maganda ako." sabi ko at nag flip hair. Totoo naman eh, mas maganda ako. Hihihihi.


"No, mas maganda si jasmin kesa sa'yo." Derick at binelatan pa ako. Aba! Kelan pa niya ako kinontra? Nako talaga.


"Ako kaya!" pout. Shit na malupit, ako naman kasi talaga mas maganda eh.


"Derick, mas maganda si Jasmin sa paningin mo dahil crush mo siy---maderpaker?!" bago pa maituloy ni Cade yung sasabihin niya ay binatukan na siya ni Derick.


"Dahil crush mo siya." pagtutuloy ni Sandra kaya namula si Derick dahil sa hiya. Ano namang nakakahiya dun? Eh alam na naman naming laha--sht nandito pala si keith.


"Crush mo siya?" tanong ni keith kay derick. Napaka-chismoso talaga ng lalaking 'to kahit kailan.


"Oo crush niya si Jasmin. Alam mo dati nga, binigyan niya 'yon ng isang pirasong santan tapos chocolate na may kagat niya na. Diba ang baduy? San ka nakakita ng ganun? Diba wala? Wal---maderpaker! Para saan naman yon?!" sabi ni Cade habang hinihimas ang ulo niya.


"Para yan sa kadaldalan mo. Masyado kang madaldal." sinamaan ng tingin ni derick si Cade.


Nagkwentuhan kami ng kung ano-ano, yung iba tungkol kay Jasmin tapos kay Keith. Nalaman namin na ang mga magulang niya pala ay sina Mr. Eldie at Ms. Almia- isa sa mga protector ng pamilya namin. Teka! Kung protector ang mga magulang niya, ibig sabihin magiging protector din siya balang araw? Kelan yon? Ano ba yan! Bakit ba kasi hindi ko man lang makilala yung mga protector namin, makakalimutin kasi eh.


Habang papunta kami sa dorm, may natanaw ako sa lobby. Hindi ko maaninag kung sino pero parang nakita ko na siya sa kung saan.


"Huy! Naiwan na nila tayo. Tara na!" hinawakan ni keith yung kamay ko at hinila ako kaya tumakbo na rin kami nung nakita naming nakalayo na yung apat.


Pagkarating na pagkarating namin sa dorm ay umupo agad ako sa sofa. That guy's still bothering me. Sino ba siya? Bakit siya nandito? Is it just me o talagang may nakita ako. Aish, bahala na nga.

The first who break the rule Where stories live. Discover now