Chapter Twenty-five

4 2 0
                                    

Chapter Twenty-five.

Keira's Point of View
"Before I introduce to you the devices, I want you to know that our hands-on will be held outside the school." sabi ni sir Alfred na sobrang laki ang ngiti. Maraming estudyanteng nagsigawan.


"Whooo! First time magpa-hands on sa labas ng school!"


"Shit! Exciting!"


"Isn't it dangerous?"


"Kj mo, hindi naman siguro."


Ilan lang 'yan sa mga narinig kong sabi ng mga kaklase ko. Napangiti ako. Mukhang exciting nga talaga, first day pa lang namin dito pero ang ganda na agad ng simula.


"Let's start with Chisana supai," sabi ni sir Alfred at itinuro yung parang spider na robot na kasing laki ng isang kamay.


"Chisai---what?!" sabi nung isa naming kaklase.


"It's Chisana Supai, Mr. Fretz." sabi ni sir Alfred nang marinig niya yung sinabi nung lalaki.


"Chisana Supai is a spider-robot which is invented by our Technology Chairman. "Chisana" means little and "Supai" means spy. Siguro tatanungin niyo ako kung bakit tinawag na Chisana Supai o Little spy? Dahil 'yan sa hindi lang siya isang robot na paglalaruan mo, big NO. It's because it can deliver an information you wanted through this watch." turo niya sa relong katabi nung little spy. "May camera sa loob ng chisana supai, and as you can see, meron siyang screen sa front face niya. You can talk to it, kaya para talaga siyang tao. You can see what it's saying dito sa screen niya. Once you holded it, ikaw na ang kikilananin niyang master." dagdag pa niya.


Hindi ko maiwasang hindi mapanganga dahil sa mga sinabi niya, talagang advance ang mga technology rito sa PLU. At first, hindi mo naman kasi aakalain na ang isang prestihiyosong school na 'to ay kayang mag develop ng mga devices na hindi pa nagagawa ng iba.


"Second device is Joho Megane," sabay turo niya 'don sa eyeglass. "It looks simple, right? Oo, simple nga but it can do something more than what you're expecting.  "Joho" means information, and "Megane" means glasses. That's why we came up with Joho Megane or Information glasses."


"Ano naman po ang kaya niyang gawin?" tanong ni Keith kay sir Alfred.


"Well, kaya niyang mag record ng isang video pero hanggang dalawang oras lang dahil sa 280mAh Li-ion battery niya. This glass would probably help all of you during your hands-on." nakangiti niyang sabi sa'ming lahat. Ang astig talaga!


"You will get Chisana Supai and Joho Megane later pagkasakay natin sa reserved private bus na hinire namin. Kaya for now, lumabas na tayo. Sa upuan sa bus, kayo nang bahala kung sino ang gusto niyong katabi hindi na kami maga-assign kung sinong makakatabi niyo para ma-enjoy niyo rin yung trip."


Dinivide nila kami sa lima, di ko nga alam kung bakit e. Ang kasama ko sa line ay si Derick, Keith, Cade, Sandra, Sidney, Yasmin, at Chase. Sabi ni sir Alfred ay Bus no. 5 kami kaya sumakay na kami sa bus.

The first who break the rule Where stories live. Discover now