Chapter Nineteen

15 5 0
                                    

Chapter Nineteen.

Yasmin's Point of View
Kinabukasan, pinatawag ako ni dad para pumunta sa bahay namin. Syempre, sinama ko si keira gusto ko kasing makilala siya ng mga magulang ko. Half day lang ang pasok namin ngayon kaya mamaya pa magsisimula yung klase namin.


"Wow. Ang laki ng bahay niyo Yasmin! Mas malaki pa nga siguro 'to sa bahay ko eh." sabi ni Keira sabay salampak na umupo sa sofa. Magsasalita na sana ako nang lumabas si Ria galing sa kitchen.


"Feeling bahay mo 'to kung makaupo ka sa sofa ah. You look so comfortable." mataray na sabi ni Ria kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Don't be so mean to her. Kung makapagsalita ka akala mo bahay mo 'to, isa ka lang namang alikabok dito eh." sabi ko at umupo katabi ni Keira.


"Bitch." naglakad na siya papuntang kwarto niya pero bago pa siya maka layo ay buti nalang naalala ko kung ano ang pinunta namin dito.


"Hoy babaeng menopause na, nasan sila dad?" tanong ko kaya narinig ko ang pagtawa ng mahina ni Keira.


"What did you just call me?" di ko alam kung may diperensya ba to sa pagiisip o pati na rin sa pandinig.


"Tanga o bingi? Tsss. "


"Okay, fine. Hanapin mo si dad ng mag-isa." sabi niya tapos nag flip hair pa. Hanggang ngayon di pa rin ako sanay na tinatawag niyang 'dad' yung dad KO.


Labag man sa loob ko, pinigilan ko siya tapos nag-peace sign ako. Nakakatamad kayang mag-hanap dahil sa laki ng bahay namin, baka mapagod lang ako kaya nagtanong ako kay Ria.


"So, nasan nga?" umirap muna siya bago sagutin yung tanong ko.


"Nandun sa office niya, kanina ka pa nga hinihintay eh. Pabebe ka kasi." sabi niya at tuluyan na siyang pumunta sa kwarto niya.


Hinila ko si keira para pumunta sa office ni dad. Habang naglalakad kami, nagtanong siya kaya napairap ako.


"M...magkapatid ba talaga kayo?"


"Of course not, ampon lang siya." sabi ko at nanatiling nakatingin sa dinadaanan ko.


Finally, nakarating na rin kami sa office ni dad. Kumatok ako ng dalawang beses.


The first who break the rule Where stories live. Discover now