Chapter Nine

28 9 0
                                    

Chapter Nine.

Yasmin's POV

Maaga akong nagising kaya nag-ayos na ako sa sarili ko para kumain. Pagkatapos ay uminom ako ng napakaraming tubig na akala mo hindi ako nakainom ng isang buwan, pero hindi pa rin maibsan ang uhaw na nararamdaman ko. Medyo malat na rin ako dahil sa panunuyo ng aking lalamunan.  


Inikot ko ang tingin sa paligid ko at di ko nakita si Chase. Nasaan kaya siya?


Umupo ako sa sofa at nanood ng TV, nakakailang lipat na ako ng channel pero wala pa rin akong magustuhan ni isa. Parang kahit anong oras ay sasabog na ako dahil sobrang tahimik at boring dito. Walang makausap at walang magawa.


Ang boring.


Nagsuot ako ng itim na tshirt at ripped jeans at gray na rubber shoes. Napagdesisyonan kong lumabas nalang muna dito at maglibot sa labas. Nagbaon rin ako ng pera kung sakaling may magustuhan akong bilhin. Sinigurado kong alam ko ang dadaanan ko para hindi na ako maliligaw sa susunod. Kailangan ko ring mag-ingat dahil hindi ko kilala ang mga tao sa paligid ko.


Naalala ko nanaman yung araw na napadpad ako dito at napa-iling.


Pumasok ako sa isang shop na puno ng paintings at drawings. Hindi pa ako nakakapunta sa ganitong lugar, masyadong maganda ang mga nandito.. pati ako. Habang naglalakad ako at nakatingin sa mga nakasukbit sa mga dingding ay may nakabangga sakin.


"Sorry." yumuko ako at naglakad palayo. Nakakatatlong hakbang palang ako ay may malamig na kamay na humila ng braso ko na satingin ko ay ang nakabangga sakin ang may gawa.


Hinarap niya ako sakanya at sumilay sakanyang labi ang napakatamis na ngiti. Her curly blonde hair, pink lips, blue eyes, long eyelashes, and pointy nose describe how pretty woman she is. Nahiya tuloy ako sa itsura ko, feeling ko yaya niya ako kapag nasa tabi niya ako.


"You're a vampire." she smirked. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nasa mundo ako ng mga tao at wala dapat makaalam ng pagkatao ko. Shit.


Tumawa siya ng mahina na ikinanuot ng noo ko. Sobrang creepy ng babaeng 'to. You'll feel intimidated when she talked to you or even when your eyes and her eyes met at yon ang nararamdaman ko ngayon.


Tinapik niya ng mahina ang braso ko at ngumiti. "There's nothing to be afraid about." siguro napansin niya kung ano ang naradamdaman ko. "I am too."


Nalaglag ang panga ko nang ngumiti siya pero this time, nakalabas na ang dalawang pangil niya. Bakit ba hindi ko napansin yun? She also have pale skin like mine and a very cold temperature. I shook my head, she is really a vampire.

The first who break the rule Where stories live. Discover now