Chapter Twelve

26 9 0
                                    

Chapter Twelve.

"Yes, he's my childhood bestfriend and my partner in crime." sabi ni Keira at pilyong ngumiti sakin. "Don't be jealous. He's all yours. Besides, hindi ko siya type."


Childhood bestfriends? Kaya pala. Hindi niya naman pala gusto si Chase eh. Buti na 'yon para nagkakalinawan.


"Hoy anong he's all yours ka jan? H...hindi ko siya gusto no!" sabi ko at inirapan siya. Panglimang araw ko na 'tong kasama si Chase at alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ako sakanya. Sasaluhin kaya niya ako? Sana.


"Ok, sabi mo eh." sabi niya pa at kinindatan ako. "Uuwi na ako ah baka kasi makaistorbo ako sainyo eh." lumayas na siya kaya napa-iling ako. Loka loka talaga siya.


Pagkaalis niya, agad nag-ring yung phone ko at tumambad sakin ang unknown number sa screen ko. Hindi ko alam kung sino 'to pero may nagtulak sakin para sagutin yung tawag.


"Hello?" pumunta ako sa may kusina para kausapin yung tumatawag. Wala lang, mas tahimik dito eh.


"Ohmygosh! Yasssmmminnnn, I miss you! Maayos ka lang ba diyan?" nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Sidney sa kabilang linya. Para na akong naiiyak na tila ba nangulila ako sa isang nanay ko na nag-abroad at ngayon ko lang nakausap.


"Ayos lang ako. Kayo ba maayos lang din? Nasaan ba kayo?"


"Maayos na maayos lang kami, alam mo marami akong ikukwento sayo. Binubully nila ako palagi porket wala ka. Nakakainis, ang gwapo ko naman. By the way, ikaw na bahala maghanap ng hotel. Hotel na pinakamalapit lang jan sa kinatatayuan mo." Boses naman ngayon ni Cade ang narinig ko. Nakakamiss yung kakulitan at pagiging assumero niya! Teka, hotel na pinakamalapit dito?


"Akala mo ba manghuhula ako? Bakit ba hindi mo nalang sabihin sakin ng eksakto kung nasan kayo?"


"Dahil ang gwap---maderpaker!"


"Tumahimik ka nga hindi ka gwapo! Bwisit ka!" narinig kong sigaw ni Sidney kay Cade. Ayan nanaman sila, nag-aaway nanaman.


"Kfine. Sooo yun nga yasmin, para may thrill naman ng konti." he chuckled. I mentally rolled my eyes.


"Ang dami mong alam."


"Yasmin, tara dito mamayang gabi!" si Derick naman ngayon ang nagsalita. I missed his masculine voice.


The first who break the rule Where stories live. Discover now