Chapter Twenty-three

8 5 0
                                    

Chapter Twenty-three.

Yasmin's Point Of View
Pagkatapos naming mag-kwentuhan ay dumiretso kami sa susunod naming klase. Buti nalang nga ay magkakaklase kami sa subject na Arts kung hindi ay magiging boring 'yon.


"Saan kayo galing?" bulong na tanong sakin ni Sandra. Tumingin ako kay Chase na seryosong nakikinig sa teacher namin. Grade conscious pala ang isang 'to. Napailing ako.


"'Di ba nga inayos namin ang papers ni Chase? At isa pa, sumaglit kami sa cafeteria." pagkasabi ko no'n ay umayos siya ng upo at hindi na ako muling ginulo pa.


Mahabang discussion ang naganap, wala ni isang pumasok sa utak ko.


"Since malapit na mag-Valentine's day, design-an ninyo ang classroom niyo. If you are willing to design the hallway, too, why not? Ngayon tayo magsisimulang mag-design." pagkasabi ni Ma'am 'yon ay parang nainis ako bigla. Designing isn't really my thing, at hindi ko rin pagaaksayahan ng oras yung Valentine's Day na 'yan. February 14 is just a normal day, ano pa't nage-effort sila para sa darating na Araw ng mga puso?


Nag-taas ng kamay si Shaina. Tinawag siya ni ma'am kaya tumayo siya at nagtanong.


"Ma'am. Eh, paano 'yon? Wala tayong gamit. Kung meron man, kulang." sabi niya na sinang-ayunan ng lahat.


"You have your class fund, right?" tumango ang ilan. "Use it. Para saan pa't nag-class fund pa kayo? At kung kulang sa materials o wala, bumili nalang kayo. Malapit lang naman ang mall dito."


"Sino pong bibili?" tanong ni Jeck, treasurer ng klase.


Napatingin sa direksyon ko si Ma'am, nakaramdam ako ng kaba. Ayokong utusan, tinatamad ako. "Si Ms. Campbell," napadako naman ang tingin niya kay Chase na mukhang gulat rin. "...and Mr.?"


"S...salazar, po." pagkatapos no'n ay nagkatinginan kami at parehas na natawa. Hindi ko alam kung bakit natawa ako. Nakakahawa siya.


Kumuha si ma'am ng papel at nagsulat do'n, ibinigay niya sa'kin 'yon nang matapos siya. Excuse letter. Sumenyas siya na umalis na kami kaya lumabas na kami ng classroom. Ngunit bago ako lumabas ay sinamaan ko ng tingin si Cade na may pilyong ngiti at nakapuso pa ang mga kamay niya.


First time kong lalabas ng PLU, pero alam kong hindi magagalit sila mom and dad dahil kasama ko naman si Chase. Hindi nila ako pinapayagan dahil hindi raw ligtas sa labas. Kaya ko naman ang sarili ko.


"Sa labas ng school, hindi mo kilala ang mga bampira. Ni hindi nga nila kontrolado ang mga sarili nila. Ikaw nalang ang natitira sa'min ng mom mo. Wag mo naman hayaang pati ikaw ay mawala sa'min." napangiti ako nang maalala ko yung sinabi sa'kin ni Dad no'ng pinipilit ko siyang lumabas kami.

The first who break the rule Where stories live. Discover now