Chapter Two

69 14 2
                                    

Chapter Two.

Dedicated to @geerielle! ❤
---------------------------------------

Technology class kami ngayon kaya syempre pumunta na kami sa Tech. Laboratory. Sobrang excited na ko kasi in-announce nila nung kelan na may bagong gadget nanaman kaming magagamit.


Pumasok na kami sa lab at kami nalang pala ang hinihintay. Yung lab para sa technology class ay parang isang conference room na triple sa laki at may mga iba't ibang uri ng gadget sa palagid na nakasabit o di kaya naman ay nakalagay sa table na na-invent ng Technology Department.


Tumayo si sir Alfred sa isang table habang kami naman ay pinapanood kung ano ang gagawin niya. Humawak siya ng isang parang cellphone na kasing laki ng isang mini notebook, hindi ko na masyadong makita kung ano yung design kasi nasa pinakalikuran kami.


"Anong itsura?" tanong ni Sandra, napatingin kaming apat kay Derick kaya napabuntong hininga siya.


"Color blue tapos mayroong tatak ng school natin--Purple Lunar University, syempre revolution ng moon pero color purple tapos sa baba nun ay symbol ng Technology Department." sa sinabi ni Derick nai-imagine ko na kahit papaano yung itsura. Sobrang cool ng ability ni Derick na Enhanced Eye Sight, at pag sinabi kong cool... cool talaga.


"This device is used to enhance more your ability. To use this, kailangan mong i-open yung device tapos kailangan mong itype yung ability mo dun... syempre isang ability lang ang pwede kaya dapat na pag-isipang mabuti. Magagamit ito para ma-improve pa yung skills mo sa ability na hindi mo pa masyadong nama-master." pagkatapos niyang sabihin yun ay halos mapa-wow kaming lahat. Ang astig kasi ang useful ng devices na nailalabas ng school ngayon di kagaya last year na puro weapons.


Akala ko ibibigay na ni sir Alfred yung newly released device kasi hindi naman masyadong mabigat ang gagamapanan nito at hindi tough gamitin kaso ganun pa rin pala yung method. As usual, ilalagay niya yung device na yun sa gubat tapos kami na bahala na makahanap. Sa method na 'to, pwedeng gamitin ang mga abilities namin--oh, may bracelet pala ako.


Lumapit ako kay sir Alfred dahil baka matulungan niya akong tanggaling 'tong bracelet na kinabit nila mom kanina. "Sir, kaya niyo po bang tanggalin 'to?" gulat siyang tumingin sa bracelet ko pero bumalik rin sa pagkaseryoso yung mukha niya. Kumuha siya ng isang bottle na may lamang color blue na liquid tapos pinatak niya yon sa bracelet ko, the next thing I knew is the bracelet is gone kundi nasa kamay na ito ni sir Alfred. H..how did he do that? Ngumiti siya at nagpasalamat nalang ako saka ako bumalik sa kinauupuan ko.


"Okay, you may now start finding. Wag lang kayong lalagpas sa perimeter ng gubat, alam niyo namang may wild animals don." tapos ngumisi siya. Ang weird talaga ng teacher na 'to. Despite of his weirdness, he's totally the coolest teacher I've known.


Sabay sabay kaming lahat pumunta ng gubat para hanapin yung device na IDon'tKnowWhat'sTheName pero wala naman akong makita kita dito. Niloloko ba kami ni sir Alfred?

The first who break the rule Where stories live. Discover now