Chapter 5-Resort

60 6 0
                                    

Chapter  5-Resort

Cherry's Pov


"Anong meron?" sabi ko sa kanila. 

"Hindi mo ba alam Cherry na binenta na ang resort na ito? Sayang naman." Napatingin ako kay Kristen. 

"Wala na tayong magagawa, ‘yon ang gusto nila, pero ang guwapo ng bagong boss natin." Tiningnan ko lang si Kristen. Huwag niyang sabihing nakita niya ang bagong may-ari ng resort na ito. 

"Nakita mo ba si Kristen?" Sabay lapit sa amin ni Marco. 

"Oo.” Natawa pa siya. Natawa naman ako kay Kristein kung makakilig naman siya. 

"Sigurado ka ba?" 

"Sinabi na oo, ang kulit mo," sabay irap niya kay Marco.

"Saan mo nakita?"

"Doon oh! Kinakausap niya si Ma'am; magkasama sila. Nagkagulo na," turo sa amin ni Kristein. 

Napatitig ako sa dulo. Napansin ko nga ito. Ano kaya ang meron doon? tanong ko sa isip ko.

"Tara na." Si Marco ang yaya sa'min. Naglakad na kami. Hindi na ako nangunguna. Ako lang mag-isa sa likod, nakikinig sa nagpakilala na sa amin sa bumili ng resort. Nakikinig lang ako sa boss namin. Maya-maya, narinig ko ang pangalan ko, at hinanap ko kung sino ang tumatawag sa akin. Pumunta ako sa harapan at nagulat ako ng makita ko si Mike. Siya ang aming bagong boss. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng boss namin, kahit ipinakilala sa amin si Mike. May kaguluhan sa harapan ko. Tuwang-tuwa ang mga babae. Nagulat na lang ako nang lumapit sa akin ang kambal ko kasama si Joshua at ang anak niyang si James. Ginagawa nila ito dito. 

"Sabi ni mommy may party daw dito," sigaw ni Princess. Napalingon kaming lahat sa kanila. Bakit ngayon lang naisipan ni Joshua, mga anak ko?

"Mommy, I want a cake," sabi ni Princess sa akin. 

"Oh?" ‘yon lang nasabi ko. 

"Sorry Cherry, sinama ko sila. Wala si James kasama; gustong maglaro ng mga bata." Tumingin ulit ako kay Mike; nakatingin siya sakin. 

"Gusto mong kumain." Napatingin ako sa boss ko. Lumapit siya sa kambal ko. 

"Opo, Lola ganda," sabi ni Princess sa kan'ya. Lola Ganda ang tawag nila sa boss ko. Madalas kasi kasama ko ang kambal kaya tuwang-tuwa ang boss ko kapag nakikita sila. "Lola, aalis ka na? Paano naman kami?" tanong ni Princess kay kan'ya. 

"Baby, alis na ako." 

"Saan ka pupunta?" sabi niya ulit. Nagdadrama ang prinsesa ko. 

"Sa ibang bansa, baby." 

"Anong banyagang bansa ‘yan?" 

"Sasakay ng eroplano." 

“Talaga, lola ganda. Puwede kami don."

"Syempre." 

"Mommy, puntahan natin si lola Ganda." Nilingon ko si Princess."

"Oo naman baby; mag-ipon muna tayo."

 "Pero pupunta na tayo." Napatingin ulit ako kay Princess. 

"Syempre ako na ang magbabayad ng pamasahe mo, Cherry." 

"Naku ma'am nakakahiya naman."

 "Mommy, kuha na tayo ng pagkain. ." sabay hila sa akin ni Prince. Muntik na akong atakihin, buti na lang hinila na ako ni Prince. Kumuha ako ng juice, at agad ko itong ininom. Napatingin ako sa kambal ko; nasasarapan sila sa ice cream na kinakain nila. 

Ang Mahiwagang Kagubatan (Part- 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon