Chapter 16-Resign
Cherry's Pov
“Sorry Joshua kung pinapunta kita agad dito. May ibibigay sana ako." Tumingin sa'kin ng seryoso si Joshua.
"Ano to?" Kumunot ang noo ni Joshua. Kinuha ko iyon at binigay sa kan'ya ang isang maliit na papel.
"I've resigned," mahinang sabi ko sa kan'ya.
"Why? Biglaan kasi nung isang araw lang?"
"Masyadong magulo si Joshua."
"Hindi mo na kailangan umalis. Kahit anong nalaman namin, hindi ka namin iiwan. Paano ang mga bata?” Inisip ko ‘yong sinabi niya. Alam kong madadamay ang mga anak ko sa lahat ng desisyon ko ngayon. Makasarili kung selfish ako sa mga anak ko.
"Hindi naman sa ganoon. Ang gulo kasi…” Naputol ang sasabihin ko ng tumakbo ang kambal papunta kay Joshua.
"Tito Joshua." Sinalubong agad sila ng kakambal ko. "Si James po."
"Hindi ko kasama si Prince."
"Oh! Ganito kasi. Gusto mong mag-mall." Bigla kong nakita ang kambal na nakatingin sa akin. Umupo ako at lumapit sa kanila. Ramdam ko sa mga mata nila na gusto talaga nilang kasama si James; si James lang ang naging kaibigan ng kambal ko. “Sige, mamaya, promise magshopping tayo,” sabi ko sa kambal ko.
"Talaga po, Mommy." Sabay talon ng kambal ko parang nasakal ako makitang masaya ang mga anak ko. Pagkatapos ay gumawa ako ng mga hakbang upang alisin ang kanilang kaligayahan. Wala akong nagawa kundi yakapin ang kambal ko.
"Mommy, big boy na po ako." Binitawan na ako ni Prince. Tumawa lang kami ni Joshua. Feeling ko teenager na anak ko.
"Sama po si James Tito Joshua," natatawa na sabi ni Joshua na nakatingin kay Prince.
"Oo, basta magbihis na kayo mamaya pagdating ko."
"Oo." Magkasama pa rin ang kambal ko. “Mommy, Uncle Joshua, iiwan muna namin kayo; Naghahanap ako ng susuotin." Sabay hila ni Prince sa kambal niya.
"Ang gulo nila." Natatawa kong tinignan si Joshua.
"Oo pero masaya ako Joshua; nakakatanggal ng pagod," sabi ko sa kanila.
"Sigurado ka bang aalis kayo? Paano kung magkita kayo ni Mike? Ay, biro lang, ganyan ang mukha na nakasimangot ka," sabi niya sa akin.
"Kung masusunod lang, ayoko na, pero hindi puwede. Nakita mo kung gaano sila kasaya; gusto nilang gumala, Joshua kasama ng anak mo."
"Salamat sa lahat, paano kung mawala kami?" mahinang sabi ko sa ka'nya. Bigla siyang nakatingin sa akin.
"Huh? Huwag kang ganyan; tinatakot mo kami, Cherry."
“Basta, salamat. Pasensiya na, isang araw; Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila."
"Naiintindihan nila, Cherry; nagulat na lang kami sa nalaman namin. Mauna na ako."
"Ingat ka.” Sinamahan ko siya sa labas. "Ingat ka" sabi ko sa ka'nya. Papasok na sana ako nang may humintong sasakyan. Nagulat ako ng makita ko si John na papalapit sa akin.
"Cherry, puwede ba tayong mag-usap?”
"Sorry, John, busy ako."
"Kahit saglit lang. Puwede ba?" Nagdadalawang isip ako kung papasukin ko ba siya. Sa huli ay pinapasok ko rin siya. Wala siyang kinalaman sa amin ni John.
"Sige, papasok ka ba?" Sumunod sa akin si John.
“Teka lang, iiwan muna kita. Kukuha lang ako ng maiinom."
'Wag na mag-abala, Cherry, hindi ako magtatagal. Alam mo naman siguro kung bakit ako nandito, 'di ba? Cherry, nakikiusap ako. Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Isipin mo na may anak kayo ni Mike." Napatingin ako sa kan’ya.
"I'm sorry, it's my decision. Hindi siya puwedeng malapit sa anak ko."
"Bakit Cherry? Anong ginawa ni Mike para kamuhian mo siya ng sobra? Maawa ka, alam mo ba kung ano ang nangyari sa kan'ya ngayon? Lagi niyang binabanggit ang pangalan mo? Mahal, kayo ni Mike. Cherry, huwag kang makasarili. Siya. Gusto lang kayong makasama, lalo na ang mga anak mo." Tahimik lang akong nakikinig sa kan'ya.
"Alam mo, gusto ko talaga siyang suntukin. Nasasaktan na siya. Naglalasing na siya, nagwawala. Hindi siya makapagsalita ng maayos, sinasaktan niya ang sarili niya. ‘Yan ba ang gusto mo, Cherry? May karapatan si Mike. Bakit napakahirap para sa iyo? Alalahanin ang mga panahong magkasama kayo sa kagubatan. Ano ang dahilan? Sinusubukan kong intindihin kayong dalawa.” Tumayo ako na seryoso na nakatingin sa kan'ya.
"Ginawa ko lang ang tama para sa mga anak ko. Gusto mong malaman kung bakit pilit kong pinaglalayo ang kambal ko? Oo, nahihirapan ako ngayon. Nasasaktan din ako para sa kambal ko. Dahil alam mo naman na alam nating lahat na may mahal si Mike na iba. Kung bakit siya nandoon sa kagubatan, di ba? Wala kaming relasyon ni Mike; nangyari lang 'yon sa amin. Hindi ako mahal ni Mike. Nagkaganyan siya dahil may anak kami. John, sana naman intindihin mo ako. Ayaw ko lang madamay ang mga anak ko. Mahal na mahal ko sila. Hindi ko kaya mawalay sa kanila. John, nakikiusap ako. 'Wag niyo na kaming guguluhin."
"Pero Cherry?"
"Mommy." Napalingon kaming dalawa. Lumapit sa amin si Prince. "Mommy, who is he?" Napatingin sila kay John. "Teka, nagmumukha an kita. Kasama mo si Daddy nung isang araw. Anong ginagawa mo dito? Nanggugulo ka ba, Mommy?"
"Baby, nag-usap lang kami ng Tito John mo." Lumapit sa kan'ya si John.
"Hi," sabi ni John sa kanila. Nakatingin ako sa kan'ya. "Huwag kang mag-alala, hindi ako masamang tao."
"Talaga, kasi ako ang makakalaban mo. Walang makakasakit sa mommy ko."
"Ako rin; masasapak ko po ang aaway sa mommy ko, right, Prince?”
"Nakakatakot ang mga anak mo. Hindi ko aawayin ang mommy niyo. Kaibigan ko siya.
"Talaga." Magkasama pa ang kambal ko.
"Oo naman." Seryosong tumingin sa akin si John.
"Cherry, papasok ka ba?"
"Bakit?"
"Sabay na tayo."
"Hindi ako papasok kasi nag-resign na ako.”
"Ano? Nagresign ka na; bakit?"
"Para sa katahimikan."
"Hindi mo kailangang mag-resign."
"I have to, John; I'm sorry. It's not that I'm letting you go. May kailangan pa akong gawin. I'm sorry." Walang nagawa si John; umalis na lang siya.
"Sana magkaayos kayong dalawa. Aalis na ako."
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Kagubatan (Part- 2
RomanceNagyaya si sarah magbakasyon sa kanilamg lugar.Ngunit sa paglalakbay nila nakapasok sila sa lugar ng kagubatan na punong puno ng kahiwagaan .Kaya nga tinawag na ang mahiwagang kagubatan dahil sa oras na makapasok ka hindi ka makakalabas .Kaba takot...