Chapter 27-Pagbabalik sa kaharian ni Prinsipe Wayne.

54 5 0
                                    

Chapter 27-Pagbabalik sa kaharian ni Prinsipe Wayne.

Princess's Pov

"Kambal, saan ka pupunta? Bumalik ka dito." Hindi ako pinapansin ni Prince, tumatakbo. Sinundan ko lang ang kambal ko.

"Prince, ano? Pagod na ako kasusunod saiyo. Asan na tayo?" Napatigil si Prince sa pagtingin sa akin. Napatingin kami sa paligid. Lumapit ako sa kambal.

"Saan tayo ngayon?" tanong niya sa akin.

"Ewan ko sa'yo, sa sobrang bilis mo tumakbo, naliligaw na tayo. Uwi na tayo," sabi ko sa kakambal ko. Sinundan ko ang kambal habang naglalakad kami, at may napansin kaming kakaiba. Nakakapit ako sa kambal; lumapit kami at nagkatinginan dahil kakaiba siya. Ngayon lang ako nakakita ng ganito.

"Prinsesa, tingnan mo," sabi ni Prince sa akin.

"Wow!! Ang laki ng saging," sabi ko sa kan'ya. Kukunin na sana namin ang saging nang bigla kaming nahulog sa bangin. Nagpagulong-gulong kami ni Twins. Wala man lang kaming naramdaman; ito ay kakaiba; hindi man lang kami nasaktan o nasugatan. Tiningnan ko ang buong katawan ng kambal; wala man lang kaming kalmot.

"Saan tayo ngayon?" sabi ko kay Prince. Nagtinginan kaming kakaiba dahil parang buhay na buhay ang paligid; lahat ng bulaklak na nakikita namin ay parang ginto. Maya-maya ay may lumapit sa amin, at hinawakan ko ang braso ng kambal ko.

"Nasaktan ka ba?" sabi niya sa amin. Napatingin kami sa lalaking naka-custom.

"Sino ka po? Bakit po custom ka?" sabi ni Prinsipe Lalaki. Tumawa siya at lumapit sa amin.

"Hindi ako naka-custom Prince. Ako si Prinsipe Wayne, napunta kayo sa kaharian namin."

"You know me?" tanong ni Prince sa kan'ya. "Anong kagubatan?" Tahimik lang akong nakatingin sa kanila.

"Oo, kilala ko kayo. Sumama kayo sa akin. Ipapakita ko sa inyo." Sumama kami sa kan'ya.

"Wow!! Ang ganda po," sabi ko sa lalaki nang may lumapit sa amin. Napatingin ako sa kanila.

"Bakit po sila nakatayo sa bawat sulok?" Hindi ko mapigilang magtanong.

"Mga tagamasid sila," sabi niya sa akin.

"Ah, po ganoon ba? Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong ko ulit sa kan'ya. Tumawa siya at lumapit sa akin.

"Manang-mana talaga kayo sa mommy niyo. Makakamukha mo pa."

"Kilala mo po ang mommy ko," tanong ko sa kan'ya.

"Oo, kilala ko din ang papa mo.

"Bakit po mo sila kilala?" Tanong ko ulit kay Prinsipe Wayne.

"Dahil tinulungan nila tayong iligtas ang kaharian namin. Alam mo bang bayani ang mommy at daddy niyo? Nanumbalik na sa atin ang kagandahan ng kagubatan. Utang natin sa kanila ang ating buhay at ang ating kaharian."

"Bakit sila naging bida po? Anong po ginawa ng mommy at daddy ko? Gusto kong malaman."

"Sila lang ang nakipaglaban sa mga halimaw; sila ang tumulong sa amin kahit na magbuwis ng buhay. Ang galing nila.

"Prinsesa, uwi na tayo; hinahanap na tayo ni Mommy." Nilingon ko si Prince.

"Oo nga po." Nakatingin sa amin si Prince Wayne.

"Iuuwi ko kayo, pero gusto ko munang isama kayo at makita ang kagandahan ng kagubatan at sabihin mo sa Mommy at Daddy mo. She'll be happy to know."

"Sige," sabay naming sabi. Maya-maya, may lumapit na naman sa amin. Niyakap niya kami; mukha siyang matanda. Hindi ako makagalaw, sobrang higpit ng yakap niya.

"Sino po kayo?"

"Mahal na Reyna at mahal na Prinsipe."

"Kilala niyo rin po kami?" Tanong ko sa kanila. Tumango lang sila.

"Paano po?" Napatingin ako sa kanila. Bakit ang gaganda ng mga damit nila, para lang silang nasa fairy tale. Ang gaganda ng costume nila.

"Kasi bumalik ka dito sa gubat." Lumapit samin si Prince Wayne, tahimik lang kasi yung kambal ko at naglakad lakad kami. .Mukha moody na siya. Ang tahimik kasi ng kakambal ko. Pinasyal nga kami ng kambal ko.

"Nagugutom na ba kayo?" Napatingin kami sa kan'ya.

"Hindi pa po," si Prince nagsalita. Sa wakas, nagsalita na rin siya.

"Prince, tingnan mo. Ang daming magagandang bulaklak."

"Do you like it?" Sabi niya sa amin.

"Oo, ibigay natin kay Mommy Prince; hindi ba gusto ni Mommy ang bulaklak?" Napanood na lang kami habang pinipitas ito ni Prince Wayne at ibinigay sa amin.

"Ang dami naman po," sabi ko sa kanyya.

"Para sa mommy mo." Ibigay mo sa kan'ya at sa daddy mo para hindi na galit di Cherry.

"Bakit galit po si Mommy sa Daddy ko?"

"Matagal na kambal," sabi sa akin ni Prince. Hindi na lang ako nagsalita. Oo, tama ang kambal; kaya kami pumunta ng Davao kasi iniiwasan ni Mommy si papa.

"Oo, tama ka, alam kong nag-aaway sila, pero alam mo ba na magbabati din sila sa isa't isa kapag binigay mo na sa kan'ya?" "Teka lang, may ibibigay pa ako," sabi niya sa akin.

"Ano 'yan?"

"Isang kuwintas para sa bawat isa sa inyo." Napatingin ako sa kuwintas; ang puso ay maganda sa dilaw na ginto.

"Ang ganda po, salamat," sabi namin ni Prince. Nagpasalamat kami tulad ng sabi ni Mommy: Kapag may nagbigay sa amin, nagpapasalamat kami sa taong nagbigay nito sa amin.

"Lagi mong suotin 'yan."

"Yes po," sabay naming sabi ng kambal.

"Ganoon din ang binigay ko sa Mommy at Daddy mo."

"Talaga."

"Prince Wayne, tinatawag ka ng Mahal na Reyna." Napalingon kami nang may lumapit sa amin.

"May nakahanda na pinagsaluhan ng mga bata. Nakahanda na ang pagkain para sa mga bata."

"Ok, sunod kami. Tawag na tayo, kakain tayo bago ko kayo iuwi." Nakasunod kami ni Prince hanggang sa mamangha kami sa ganda ng paraiso, sobrang laki na parang buong bahay namin. Kumain lang ako nang kumain.

"Gusto niyo na bang umuwi?" sabi niya sa amin. Tumango lang kami ng kambal.

"Oh siya! Iuuwi ko na kayo. Sabihin mo sa Mommy at Daddy mo na hindi na sila mag-aaway.

"Sasabihin ko sa Daddy ko."

"Nagmana ka talaga sa daldal ng mommy mo," sabi ni Prince Wayne sa akin..

"Madaldal ba talaga si Mommy?"

"Alam mo para siyang bombang sasabog na." Tinawanan lang ako ni Prince Wayne.

"Oh siya! Sumunod kayo sa akin at iuuwi ko na kayo. Pagbilang ko ng sampu, hawakan niyo ang kamay niyo.

1

2

3

4

5

6

7

8

9

10

Para kaming paikot-ikot ni Prince na parang magic.

Ang Mahiwagang Kagubatan (Part- 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon