Chapter 14-Pagsugod

56 5 0
                                    

Chapter 14- Pagsugod

Cherry's Pov


"Baby, sorry sa lahat. Babawi si mommy." niyakap ako ng kambal ko.

"Anong nangyari? Bakit po kayo nag-aaway ni Daddy?" tanong sa akin ni Princess. Napatingin ako sa kanila, naghihintay ng isasagot ko.

"Sorry, baby, I can't tell you the truth."

"Why, Mommy?" Humarap sa akin si Prince, parang matanda. "Hindi mo pa kasi naiintindihan."

"Oh?" Sabay nilang sabi, iniisip pa rin ang sinabi ko: "Dahil po ba na bata pa kami, kaya hindi kami maka pagsabihan ng sikreto? Mommy, diba po bawal ang magsinungaling; paano ka po namin maintindihan? Ano po ba talaga ang dahilan kung bakit parang takot na takot ka po? Mommy, huwag mag-alala; nandito po kami para say'o. Hindi ka po namin iiwan."

"Opo Mommy, tama si Prince. Kahit minsan nag-aaway po kami, mahal namin ang isa't isa. Ganoon din sa iyo. Nasaan ka man, nandiyan kami sa tabi mo po, Mommy. Mahal ka namin ng sobra." Napaiyak Ako sinabi ng kambal ko.

"Sorry baby, sa lahat ng ginawa ko sa inyo. Sorry kung pinagkaitan ko kayo sa Daddy niyo."

"Okay lang po 'yan. Kung ano man po ang dahilan. Basta tandaan mo, Mommy, mahal ka namin." Niyakap ako ni Prince.

"Ako din po, Mommy, wag ka ng umiyak, di ba, Prince, mahal ka namin, Mommy."

"Masaya lang si Mommy."

"May umiiyak na masaya." Natawa naman ako sa sinabi ni Prince.

"Sige baby, matulog na kayo."

"Okay, Mommy, ngumiti ka na." Natawa na naman ako sa sinabi ni Prince.

"Good night kambal ko."

"Goodnight din, Mommy," sabay na sabi ng kambal ko.

"Goodnight" sabi ko sa kanila. Nagtakbuhan ang kambal sa kani-kanilang kuwarto. Lumabas muna ako para makapag-isip ng maayos. Maya-maya, may narinig akong nag doorbell. Tiningnan ko ang oras; Hindi ko namalayan na 11 p.m. na pala, at iniisip ko. Sino ang bisita ko sa ganitong oras ng gabi? Lumabas ako para tingnan, at nagulat ako nang makita ko si Mike na nakatayo sa gate namin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa ka'nya.

"Gusto kong makakita ng mga bata."

"Lasing ka ba?"

"Hindi ako lasing. 'Yan ang lagi mong sinasabi. Sabi ko hindi ako lasing." Pumasok siya ng walang sabi-sabi. Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya.

"Hold on, Mike, don't mess around here. Tulog na ang mga bata. Can you go now?" Nakaharap siya sa akin ng malapitan.

"Hindi ako aalis. Bakit ayaw mong ipakita sa akin ang mga anak ko? Anak ko rin sila. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na may karapatan ako? Bakit hindi ka makapagsalita?"

"Puwede ba Mike, huwag kang magtaas ng boses. Magigising ang mga bata at ibang kapitbahay."

"Nahihiya kang malaman nila," sigaw niya sa akin.

"Walang patutunguhan ang usapang ito. Sige Mike, umalis ka na."

"I'm not leaving." Nagpatuloy siya sa loob.

"What's wrong, Mike?" mahinang sabi ko sa ka'nya. Lumingon ako at nagulat ako nang makita ko si Prince na pababa ng hagdanan hinahanap ako.

"Mommy." Tinawag ako ng anak ko habang naglalakad siya na nakayuko. Agad akong lumapit kay Prince; baka mahulog siya sa hagdan.

Ang Mahiwagang Kagubatan (Part- 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon