Chapter 19-Meet cherry ex
Cherry's Pov
“Pasensiya na kayo kung hindi natuloy ang lakad natin." Nahihiya ako humarap kay Joshua. Siya pa naman ang nagyaya sa amin. Lagi na lang kami nauuwi sa gulo. Nakaharap si Joshua sa akin. Ako nga dapat ang humingi ng sorry.
"Niyaya ko pa kasi mga bata, lagi na lang magkakalapit kayo ni Mike."
“Ito ang kinatatakutan ko, nadadamay na ang mga bata, Joshua. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Masyadong magulo; Naiinis ako sa sarili ko. Nadadamay ko ang mga bata.
“Huwag mong sabihin mo ‘yan Cherry malalampasan mo din yan.
"Salamat, tulog na sila."
"Naaawa ako sa kanila, matalinong anak mo; suwerte mo sa kanila." Nag-uusap kami ni Joshua ng may biglang tumawag sa phone ko.
"Mauna na kami."
"Aalis ka na?" Napatingin ulit ako kay Joshua.
"Mukhang inaantok na rin si James; tingnan mo."
"Natulog na kasi ang kambal, aalis na kami. Ingat ka.
"Joshua." Tawag ko sa ka'nya. Lumingon siya sa akin; seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
"Bakit?"
"Wala naman," hindi ko kayang sabihin sa knaiya.
"Nalilito ka. May sasabihin ka ba?"
"Hindi!" ‘Yon lang ang nasabi ko. Sagutin muna ang tumatawag sa iyo. Mukhang importante na kanina ka pa niya tinatawagan.” Kinabahan ako sa sinabi niyang importante. "Oh! Aalis na kami."
Pagkaalis nila, tumawag ulit si Sarah, agad ko naman siyang sinagot. "Kumusta!" mahinang sabi ko sa kabilang linya.
"Kumusta mga bata?" sabi niya sa akin.
"It's ok," mahinang sabi ko sa ka'nya.
"I'm sorry. Ngayon ko lang natanggap ang tawag mo. Anong nangyari, pasensya na busy lang ako noong isang araw?"
"Alam ng mga kaibigan ni Mike. Magulo lang ang araw na 'to."
"Oh siya! Papunta na kami diyan. Kailangan mo na talagang umalis. Naku! Hindi ka pipigilan ni Mike, lalo na kung nandiyan ang mga kaibigan niya. Baka mahirapan kang gawin. Ihanda mo na ang mga gamit nila. Kami aalis ka agad." Sabi ni Sarah natahimik ako. Handa na ba akong umalis? Paano ang mga bata?
"Cherry, nakikinig ka ba?"
"Oo," sabi ko sa ka'nya."
"Oh siya, ayusin mo muna. Malapit na tayo sa Cebu." Nagulat ako sa narinig ko. May pinaplano na siya na hindi ko alam.
"I miss you. Bye, Cherry." Ibinaba ako ng isang baliw. Tumayo ako at pumasok sa loob, inayos ang mga gamit namin. Nagising si Princess at tumingin sa akin.
"Mommy, anong po ginagawa mo?"
"Nag-ayos lang, baby."
"Bakit nasa bag po ang mga gamit ko? Saan po tayo pupunta?" Ang bilis talaga mag-isip ng anak ko. Hindi ako makapagsinungaling; Sinabi ko sa ka'nya ang totoo. Ayokong magsinungaling sa mga anak ko.
"Baby, paano kung aalis na tayo?" Nakaupo ako sa kama, nakatingin kay Princess. "Baby." Umiyak ako. Niyakap lang ako ni Princess. "Sorry kung nadamay ka sa katangahan ng mommy mo."
"Mommy, it's not your fault. Bakit tayo aalis? Saan tayo pupunta?"
"Kay ninang mo Sarah. Sa Davao. Papunta na siya dito; aalis na tayo.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Kagubatan (Part- 2
RomantikNagyaya si sarah magbakasyon sa kanilamg lugar.Ngunit sa paglalakbay nila nakapasok sila sa lugar ng kagubatan na punong puno ng kahiwagaan .Kaya nga tinawag na ang mahiwagang kagubatan dahil sa oras na makapasok ka hindi ka makakalabas .Kaba takot...