Chapter 24-Kagubatan
Mike 's Pov
“Mommy, Mommy wake up." Narinig kong umiiyak ang mga anak ko. Agad akong lumabas ng marinig ko ang iyak ng mga bata. Dali-dali akong pumunta sa kanila. Nataranta ako nang makita kong walang malay si Cherry. Agad kong binuhat si Cherry. Napatingin ang kambal ko sa akin. Inalalayan ako ng mga kaibigan ko. Tinulungan ako ng mga kaibigan ko. Sila ang nagbuhat sa mga anak ko. Dinala ko sila sa bahay."
"Mommy mommy wake up.” Nakayakap mga anak ko kay Cherry. Nakatingin lang ako sa kanila. Maya-maya, nagkamalay na si Cherry. Napaayos siya ng upo nang makita niya ako. Natatawa ako sa reaksyon niya; namiss ko 'yong mukha niyang nakasimangot. Napansin ng mga anak ko na nakatingin ako sa kanila. Hinarap nila ang mommy nila. “Mommy, tinakot mo po kami." Naiyak si Prince at niyakap ulit ang mommy niya.
"Saan na ba tayo?" sabi ni Cherry sa amin.
"Ewan ko po. Tanungin mo po si Daddy sa kalokohan niya." Sabay irap ni Princess; galit pa rin sila sa akin. Hindi nila ako kinakausap. Nakatayo si Cherry, kahit nahihilo pa siya, hinarap niya ako.
"Ikaw ba ang may kagagawan nito?"
"Oo ako!" mahinang sabi ko sa kanila.
"Bakit niyo ginawa 'to?" Tinignan ko siya ng seryoso.
"Dahil sa’yo. Nilayo mo ang mga anak natin."
"Mommy, Daddy, nag-aaway na naman kayo?" Napatingin ako kay Prince; nakasimangot ang mukha niya. "Bakit mo kami dinala dito, Daddy?" tanong sa akin ni Prince.
How can I explain this to them? I didn't want this happen if Cherry didn't keep her away from my children. I just want to talk to them. Lumapit ako sa mga anak ko. "Sorry baby." Sabi ko sa kanila.
“Don't call us baby, we're not your baby. May mahal kang iba. ‘Yong kasama mo po sa mall." Naalala pa ni Princess ang nangyari sa mall. Iyon ang huling pagkikita namin.
"Baby, hindi ka ba nagugutom?" Napansin kong iniba ni Cherry ang usapan.
"Oo po, Mommy, pero bakit tayo nandito?" Inulit ni Prince ang tanong niya kanina. Napatingin sa akin si Cherry.
"Sige baby, kumain ka na. May pag-uusapan lang kami ng Daddy mo."
"I want to be with you, Mommy. You need to be strong, 'di ba, Prince?"
"Opo Mommy, kain na po tayo."
"Susunod si Mommy."
"Ayaw namin. Kasama ka namin." Prinsesa ay matigas ang ulo; Walang nagawa si Cherry; sumama muna siya sa mga anak namin. Nanatili lang akong nakatingin sa kanila. Kumakain ang aking mag ina.
"Gusto niyo ng sorbetes?" tanong ko sa kanila. Napatingin sa'kin si Prince.
"Daddy, bakit po tayo nandito? Saan tayo?" Nakatingin sa akin si Cherry, naghihintay ng sasabihin ko.
"Dito tayo magbabakasyon pansamantala."
"Oh?" Magkasama pa ang kambal ko. Mukhang nataranta sila, sabi ko.
"Di ba, Mommy? Malayo pa po ang bakasyon. Hindi pa po kami tapos ng school." Ang daming tanong ni Princess.
"Hindi mo ba kami mahal?" Napatingin ako kay Princess. Bakit niya sinabing hindi ko sila mahal? Gusto kong sumigaw at sabihin sa kanila na mamahalin ko sila sa buong buhay ko, ngunit hindi ko masabi sa kanila. Napanganga si Cherry. Muli niyang hinarap ang mga anak namin.
"Baby, kain muna tayo; bawal ba tayong kumain at mag-usap? Kausapin ko na lang si Daddy niyo, at babalik si Mommy." Tumayo si Cherry at hinila ako palabas. Nagulat si Cherry nang makita niya ang mga kaibigan ko. Tinignan niya ako ng seryoso.
"Bakit tayo nandito? Anong pakulo ito?" Seryosong tanong niya sa akin. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Bakit sila umalis? Bakit niya inilayo sa akin ang mga anak ko? Wala akong nagawang kasalanan sa kan'ya, ngunit hindi ko siya matanong.
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Hindi ko magagawa ito kung hindi mo inilalayo ang mga anak ko. Ano ba Cherry, miss ko na sila. Gusto ko silang makasama."
"Para ano pa, di ba may pamilya ka na? Kaya nga nilayo ko ang mga anak ko sa'yo dahil ayokong masaktan sila." Natawa naman ako sa sinabi niya. Anong pamilya ang sinasabi niya? Ngayon alam ko na kung bakit. Syempre naman oh! Dahil lang selos, inilayo niya sa akin ang mga anak ko.
"Anong pamilya ang sinasabi mo? Pamilya ko kayo, wala akong ibang pamilya dahil pamilya ko kayo." Naguguluhan siyang tumingin sa akin.
"Sino ‘yong kasama mo sa mall? Siya ‘yong nasa picture, at sino ‘yong bata?" Hindi ko mapigilang matawa; ang cute niya at nagseselos. Nawala ang galit ko sa kan'ya.
"Baka naman nagseselos ka."
"Anong selos ang sinasabi mo?" mataray na sabi niya sa akin. Tumawa ako, lumapit sa kan'ya, at hinalikan siya ng matagal. Natawa ako sa reaksyon niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ulit, at biglang nag silapitan ang mga bata. Nag Tawanan sila, humarap sa amin. Sa gulat ni Cherry, tinulak niya ako. Natawa na lang ako, tumalikod na siya sa amin. Natatawa ding lumapit sa amin ang mga kaibigan ko.
"Anong tinatawa-tawa mo? Ihatid mo kami." Humarap sa amin si Cherry na nakakunot ang noo. Napatingin ako sa mga kaibigan ko.
"Pinahirapan mo kasi si Mike." Tumawa, John.
"Mommy, kilala mo ba sila?" tanong ni Prince sa mommy niya.
"Oo, kaibigan sila ng Daddy mo." Nagpakilala ang magkakaibigan maliban kay John na kilala nila. Mukhang mas close sila ni John kaysa sa akin, at hindi nila ako kinakausap, mana sa mommy nila. Pinagseselosan, hindi naman totoo. Natatawa ako sa mag-ina ko.
"Ano, Mike? Tawang-tawa." Sabay batok ni John sa akin.
"Aalis na kami; tapos ka na naming tulungan."
"Tama ka Emz. Mike, siguraduhin mong magkakasundo kayo."
"Oo, Ray. Effective ang plano mo," bulong ko sa kan'ya.
"Good, para maging masaya ka. Nakikiramay kami sa kapraningan mo." Sabay tawa ng mga kaibigan ko.
"Anong kapraningan?" tanong ni Princess sa kanila.
“Walang baby. Ikaw kasi Ray. Puro ka kalokohan."
"Sige, let's go." Sabay hila ni Ray. Ang gulo nila.
"Saan po kayo pupunta?"
"Aalis na baby Prince, para magkaroon ng moment ang Daddy at Mommy mo." Paliwanag ni Ray kay Prince.
“Maiiwan kami." Sabay pa kambal.
Oo, eh kailangan." Sabay tawa ni John, nakaharap sa amin. Umalis na sila, nakatingin lang mag-ina ko. Sabay yakap ko kay Cherry.
"Tara, na sa loob." Nakasimangot siya at iniwan ako. Hinila niya ang kambal ko. Natawa ako sa kanila. Nakasunod lang ako. Hindi nila ako pinapansin at nilock ang kuwarto nila. Lumapit ako sa may pinto.
"Goodnight, kambal ko. Goodnight, my love." Sabay tawa ko. Umalis na ako para magpahinga na rin.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Kagubatan (Part- 2
RomanceNagyaya si sarah magbakasyon sa kanilamg lugar.Ngunit sa paglalakbay nila nakapasok sila sa lugar ng kagubatan na punong puno ng kahiwagaan .Kaya nga tinawag na ang mahiwagang kagubatan dahil sa oras na makapasok ka hindi ka makakalabas .Kaba takot...