Chapter29-Meet Parent and barkada

87 5 0
                                    

Chapter29-Meet Parent and barkada

      

Mike's Pov


“Oh bakit ka nandito?" Sinabi ko sa kanila.

"Teka, may napapansin ka bang kakaiba?" Lumapit sa akin si Ray. Nagtatawanan pa ang mga kaibigan na lumapit sa akin. 

"Saya natin ah!" Sumabay sa akin si John na naglakad.

"I'm getting married," sabi ko sa kanila. Nagulat ang mga kaibigan at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nagkukunwari pa sila. Ito lang ang gusto nilang marinig sa akin. 

"Good." Sabay bangga sa'kin ni Emz eh. 

“Kami po nagpabati kila Daddy." Sabay lapit ni Princess sa Kanila. 

“Sa wakas, bati na sila. So, dapat icelebrate natin ito," pang-aasar ni George sa akin.

"Dapat lang." Napalingon kami at biglang nagsilapitan ang mga kaibigan ni Cherry. Napatingin ang mga kaibigan ko kay Ray; namumula ang mukha. Isang dakilang torpe kasi kay Sarah; hindi maamin-amin ang feeling

"Mukhang may love life, isa rin dito. Lapitan mo muna si Ray." Namula ang mukha ni Ray sa sinabi ko. 

"Sino po ‘yan Daddy?" Napalingon ako kay Princess, na narinig ang sinabi ko kay Ray. Tinuro ko ang ninang Sarah niya; kinausap ng Mommy niya.

“Talaga." Sigaw ni Princess. 

"Ninang Sarah, tinatawag ka po ni Tito Ray." Nagulat ako sa masamang tingin ni Sarah sa akin. 

"Wala akong kinalaman diyan; Wala akong sinabi kay Princess." 

"Gago, Mike, sinabi mo ba kay Princess?” Habang pulang-pula ang mukha ni Ray.

"Wala akong sinabi." Sabay lapit kay Cherry. 

"Mommy," naka-pout na sigaw ni Prince sa kan'ya, napatingin naman ako kay Prince. "Wala pa po ba si James?" Napatingin lang ako kay Prince habang kinakausap siya ng mommy niya, mukhang masama ang loob. 

"Malapit na sila Prince,”  sabi ni Cherry sa kan'ya. Si Prince ang pinaka moodiest sa magkakapatid. 

"I'm hungry po," mahinang sabi ni Princess. 

"Gutom ka na, baby." Biglang may tumakbong bata papunta sa'kin. Nagulat ako ng niyakap niya ako. Nakasimangot ang mukha ng kambal ko, at kaharap ko si Edward. 

"Tito Mike, may ibibigay po ako kina Prince at Princess." Nakatingin lang sa kan'ya ang kasama ko. Lumapit si Edward kay Prince. 

"Para sayo ‘yan, sorry sa nagawa ko sa'yo." Kinuha ito ni Prince at binigay sa kan'ya.  "Buksan mo." Binuksan ito ni Prince. Napatingin siya sa akin ng nagtataka. Lumapit ako kay Prince. 

"Nagustuhan mo ba?" sabi ko sa kan'ya. 

“Yes, Daddy, thank you,” sabi niya sa pinsan niyang si Edward. 

"Okay na ba tayo?" Niyakap ni Prince si Edward. Natutuwa akong nagkasundo sila. 

"Princess, binili ‘yan ni Tita Bea para sa'yo." Sabay lapit niya kay Princess. Napatingin ako kay Princess, at nagsalubong ang dalawang kilay. Bigla akong kinabahan; Alam kong nagmana si Princess sa mommy niya. Lumapit ako dahil baka awayin niya si Edward.  "Sorry sa nagawa ko." Nagulat ako ng kunin sa kan'ya ni Princess habang nakangiti pa rin kaya nabunutan ako ng tinik. Akala ko mag-aaway sila. Binuksan din niya. 

"Wow!! Barbie, salamat dito." Sabay yakap niya kay Edward. 

"Nagustuhan mo ba?" Lumapit si Bea sa anak ko. Tahimik lang na nakatingin si Cherry kay Bea, at natatawa akong nakatingin kay Cherry. Sa lahat na nagseselos siya sa kapatid ko. 

"Tita Bea, nagustuhan nila." Lumapit si Bea at niyakap ang kambal. 

"Maganda at guwapo ang pamangkin ko." 

"Mana sa akin, Bea. Ang guwapo ni Daddy," sabi ko sa kan'ya. 

"Ang haba ng buhok mo Kuya Mike." Tinawanan ako ni Bea. "May bisita ka ba?" bulong sa'kin ni Bea. Ako'y lumingon. Kailan sila umuwi? Napatingin ako kay Daddy, Mommy, at kuya; lumapit sila sa amin, at natigilan ako. 

"Anong ginagawa niyo? Nandito kayo?" mahinang sabi ko sa kanila. 

"Ang tanga mo; balita namin ikakasal ka na! Umuwi na kami." Umakbay sa akin si Kuya Angelo. "Ipakilala mo kami sa mag-ina mo." Nagkatinginan lang kami ni mama. 

"Mommy, Daddy, Kuya Angelo, and Bea. Asawa ko at ang kambal ko," sabi ko sa kanila. 

Si Cherry and my twins Prince and Princess. 

"Hi po." bati ni Cherry sa kanila. Natawa ako at nawala ang kalmado ni Cherry. Ito lang ang katapat niya.

“Hello din po." Lumapit sa kanila ang kambal ko. Natuwa naman ako na agad nilang niyakap ang lolo at lola nila, magkasundo agad sila, maliban sa reaksyon ni Prince, sumimangot na naman ito. 

"Maganda at guwapo ang apo ko," sabi ng Mommy ko na nakatingin sa akin.

"Syempre magmamana ako kay Mommy, right Prince." Nang biglang tumakbo si Prince para makita si James na parating na kanina pa niya hinihintay. Iniwan niya kami nang makita niya ang kaibigan niya. Tinawanan lang namin si Prince. Nawala ang pout niyang mukha. Alam kong kanina pa niya hinihintay ang kaibigan niya. 

"Tito Joshua." Sabay silang nagyakapan. Lumapit na rin si Princess sa kanila, nakisali na rin. 

"I missed you guys," sabi ni Joshua. 

"Ikaw din po, Tiyo Joshua," sabi ni Prince sa kan'ya. Ang suwerte ko, may mga taong itinuturing ang mag-ina ko na kapamilya kahit hindi ko sila nakasama. Napalapit kami sa kanila.

"Ano pang hinihintay natin, magdiwang tayo." Napalingon kami sa sigaw ni George. Baliw din ang loko paninira ng moment. 

"Saan mo gusto?" sabi ko sa mga kaibigan ko. 

“Dito na lang, OK naman itong restaurant natin, ah." Naloko, ang ingay-ingay; sinabi na secret muna. Sarap din sapakin 'to si John minsan, eh.

"Iyo na po ito, Daddy." Tumango lang ako sa kanila. 

"Tara James, kain tayo sa restaurant ni Daddy."  Habang magka holding hands silang tatlo ay magkakaibigan. Pinagitna nila si Princess kaya sumunod na lang kami sa kanila. Nagtatawanan kami. Umupo muna ang mga baliw kong kaibigan at hindi man lang nahiya sa mga bisita namin, lalo na sa Mommy at Daddy ko. Napatingin kami sa kanila. Umupo kami sa tabi ni John. Kumain muna sila ng hindi man lang kami hinintay. 

"Ang gulo nila." sabay yakap sa’kin ni Cherry. 

"Masaya ako Cherry, kasama kita." Napatingin sa akin si Cherry. 

"Salamat sa pagpapatawad mo sa akin." 

"Sorry din sa nagawa ko sa’yo." 

"Tapos na ‘yan, mahal na mahal kita." 

"Wow ang sweet naman." Lumapit ang kambal namin at niyakap kami. 

"Kasal na lang kulang. Mabuhay ang bagong kasal." Sabay nilang sigaw sa amin. Parang naging magic sa aming dalawa ang gubat. Pinagtagpo kami ng tadhana upang tumulong sa pagliligtas sa kagubatan, na ngayon ay isa na sa magandang tanawin at saganang prutas. Ang kuwento ay nagmula sa kagubatan na naging magkasintahan sa huli. Ang Mahiwagang Kagubatan nina Mike at Cherry.

 End……

Ang Mahiwagang Kagubatan (Part- 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon