Chapter 12-Magpakalasing

61 6 0
                                    

Chapter 12-Magpakalasing

Mike's Pov

“Huwag magtago; Alam kong nandiyan ka. Lumabas ka na." Lumapit si John para harapin ako. Natahimik siya. "Nagtago ka na  nga lang hindi mo pa ginalingan." Tinawanan ko siya. Napansin kong nasa kabilang table siya. Nung una hindi ko pinansin. , akala ko gusto niya lang mapag-isa kagaya ko, pero hindi sa tuwing itinutulak ako palayo sa likod niya. "Inom pa tayo," sabi ko sa kaniya.

“Ang dami mo na nainom." Tangina, hindi pa ako lasing, kulang pa nga 'to. Nag-order pa ako. Wala nang nagawa si John; ang tanging nagawa niya ay samahan niya ako mag-inom. Ang loko, namumula na. Mukha tinamaan na siya, konti pa lang naman ang naiinom niya. Ang hina naman ng isang 'to. Napatingin ako sa kan'ya, hindi ko mapigilan umiyak sa harapan niya. Tanging si John lang lagi kong nakakasama sa lahat ng oras, sa oras na kailangan ko siya. Siya lang laging nariyan sa tabi ko. Kahit ganyan 'yan, kaibigan ko. Mahal na mahal ko 'yan.

"Gusto kong magwala," sabi ko sa ka'nya. 

“Kumalma ka; walang magagawa ang kalasingan mo. Uwi na tayo." Tiningnan ko lang si John na parang nanghihina. Iniisip ko lang sila. Hindi ko na kayang malayo sa kanila. 

"Tangina, hindi ko maintindihan Cherry. Bakit sa tuwing magkikita kami, inilalayo niya ako sa kambal ko? May karapatan naman ako di ba? May karapatan akong lapitan ang kambal ko," sabi ko sa ka'nya. 

"Tangina naman John and gulo ni Cherry. Wala naman akong ginagawang masama sa kan'ya! Bakit niya ako pinaparusahan ng ganito? Sa aming dalawa, ako dapat ang karapat dapat na magalit sa kan'ya. Inilayo niya sa akin ang kambal ko. Hindi ko na kaya. Bakit niya ako patuloy na iniiwan? Hindi ko na kaya. Gusto ko lang bumawi. Kasama ko sila, tapos inilayo niya ito sa akin sa pangalawang pagkakataon. Baka hindi pa niya alam ang nararamdaman ng mga anak ko." Napasigaw ako sa inis habang may mga nakatingin sa akin. Gusto ko lang ibuhos ang nararamdaman ko kung anong oras na sasabog na ang puso ko. Simple lang gusto ko, makasama ko sila. Mahirap ba intindihin 'yon? Bakit ang tigas ng puso niya! Kahit man lang sa kambal namin, sana naman pagbigyan niya ako. Bakit ganon si Cherry, wala man lang siyang pakiramdam sa nararamdaman namin. Ang unfair kasi, John. Ngayon pa lang ako bumabawi. Ngayon pa lang ako nag papaka-ama, tapos ilalayo niya lang sa'kin dahil takot siya malaman ng lahat na ako ang ama. Tangina, sa guwapo ko 'to! Pinagkakait niya." Paulit-ulit ko sabi kay John. Ang loko, wala man lang ginawa, tanging ginawa niya ay makinig lang sa'kin. Paulit-ulit kong sinabi kay John. Wala man lang nagawa ang tanga; nakinig lang siya sa akin. 

"May karapatan ako! May karapatan ako! May karapatan ako sa kambal ko," sigaw ko ulit. Wala akong pakialam kung tumingin sila sa akin.

"Mike, uwi na tayo!" mahinahong sabi ni John. 

"Hindi pa ako lasing," sigaw ko kay John. Atleast ang cute niya, hindi pa nga ako lasing. 

"Mike, let's go," ulit niya sa akin. Nakukulitan na ako sa kan'ya. 

“Ang OA mo. Gusto ko pang uminom. Kung gusto mong umuwi, iwan mo ako dito. Isa pang waiter! " sigaw ko sa waiter.

"Mike, lasing ka na." Napatingin ako sa ka nya, sabi!g hindi pa ako lasing. 

"Iwan mo ako. Ako na ang bahala sa sarili ko. Napakakulit mo! Sabi nila hindi pa ako lasing. Makinig ka, hindi pa ako lasing." Humarap ako sa mga tao sa paligid namin. Nakatingin lang sila sa akin. Naglalakad ako hanggang sa nawalan ako ng balanse at natumba ako, buti na lang nasalo ako ni John. Pinipigilan niya ako. I didn't do anything after we woke up and looked at him. 

"Tara,” sabay hila sa akin. Tinapik niya ako at nagising ako sa gulat. 

"Nasaan na tayo?" sabi ko sa ka'nya. 

"We're at home; tara na."

 "Ayoko," mahinang sabi ko sa ka'nya. 

“Gago naiinis na ako sa'yo uupakan na kita." Nanahimik ako sa sinabi ni John, at sinundan ko lang siya. Pinindot niya ang doorbell,at maya-maya lumabas na si Mariz. 

"Omg, anong nangyari sa pinsan ko?" sigaw niya sa amin. 

"Lasing na amputa. Tulungan mo ako dito." Lumapit sa amin si Mariz. Dinala nila ako sa kuwarto ko pagkababa nila sa akin. Syempre nasasaktan ako pagkahulog ka sa akin. Gago ito. Tinitigan ko siya ng masama; hindi man lang ako napansin ng tanga. 

"Masakit ang katawan ko sa’yo, Mike." Tumingin lang ako kay Mariz. Sabi niya, nasaktan ako sa ginawa nila. Kulang na lang, ibalibag ako. Tangina, masasapak ko 'tong gago kung hindi lang ako lasing."

"Inom pa tayo!" sigaw ko kay John. Nakadapa ako sa kama, panay ang sabi ko. Tinatawag ko ang pangalan ni Cherry, para akong sirang plaka. Napatingin ako sa kanila. Napapailing lang sila at napaharap sa'kin

"Mahal na mahal kita. Bakit mo ako pinapahirapan? Mahal ko rin ang kambal natin. Ang sweet naman ng kambal ko diba John?" Sinabi ko sa kanila. 

"Bakit ka ganyan? Hinahanap kita. Hindi ako papayag na mawala ka ulit sa akin. Akin ka lang, at gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako." 

Umiiyak akong tumingin sa kanila. 

Hindi sila tumugon sa lahat; hindi man lang sila nag-interact. Nasaktan talaga ako sa lahat, tapos nakatingin lang sila sa akin at hindi man lang makapagsalita. 

"Hoy, ano ba! Wala ka bang sasabihin?" Tanong ko sa kanila.

 "Let's leave it at that, Mariz; ganyan talaga. Let's leave the stupid drama; let's leave." Tumingin lang ako kay John. Siyempre, walang suporta mula sa mga kaibigan. Nakainom ako, pero kilala ko ang sarili ko. Tapos sasabihin niya kay Mariz na nag-inarte lang ako. Baka masagasaan ko na siya. Sinabi niya kay Mariz; sinisiraan pa niya ako sa pinsan ko. 

"Ganyan mo ako iniwan; walang nagmamahal sa akin." Tumawa si John, humarap sa akin. 

"Lakas ng tama ng pinsan mo. Tara na, titigil din 'yan. Tangina iwanan na natin 'yan Mariz ganyan 'yan. Ang drama ng gago, alis na tayo." Tiningnan ko lang si John.

"Hoy mga gago! Saan kayo pupunta? Mag-usap pa tayo." 

"Itulog mo na lang ‘yan." Sabay hila ni John kay Mariz. Iniwan nila ako. Pumikit nalang ako. 


Ang Mahiwagang Kagubatan (Part- 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon