CHAPTER 7

43 2 0
                                    

Hindi ko alam kung paanong nalaman ng iba ko pang classmates ang tungkol sa bagay na 'yon o talagang masiyado lang akong halata?

"Magggieeeeee..." nagsimula na naman sila sa pang-aasar sa akin.

'Ewan.'

"Ikaw ha, pasimple ka pa." kinindatan pa ako ni Gracezabelle saka ako pasimpleng kinurot sa tagiliran.

"Tumigil kayo, may girlfriend na kaya yung tao." paingos kong saad.

"Ayyy?? May girlfriend na? Wala pa nga, basted ka na? Hahaha." sinamaan ko ng tingin si Annalie. Mamaya ka pag-uwi. I smirked.

"Bigti na Marj! Hahaha."

"Don't worry, 'lang forever kaya magbebreak din sila, baka next year."

"Ako ang magtatanong kung may girlfriend ba talaga siya. Akong bahala." Grace volunteered while grinning at me. Uh oh.

Natigil lang sila sa pang-aasar ng dumating na si Sir Somino. Prelim Exam namin ngayon. Ang saya lang, pahirap muna bago ang party party. Tsk..tsk..tsk..


JULY 23, 2016 ACQUAINTANCE PARTY at the same time INDUCTION

Dahil officers kami kaya obligasyon namin na makipagtulungan para mag-ayos ng venue.

Umaga pa lang ay nasa Convention Center na kami. Halos lahat ng mga officers ay nandoon which means nandoon rin si Josh. Nakaupo siya sa may stage at may kausap na babae. Senior high yata.

Iniiwas ko ang tingin sa kanila saka itinuon na lang ang pansin sa ginagawa.

"Selos ka na niyan?" Ate Camille started to tease me.

"Ate naman."

"Hahahaha. Juls si Margie tingnan mo." she called ate Julie while laughing and pointing at me.

Mas lalo akong ngumuso ng pagtawanan na nila akong dalawa. Nakatingin lang sa amin ang ibang officers na para bang nagtataka kung ano ang dahilan at panay ang tawanan nila Ate. Pasimple pa akong sumulyap sa gawi ni Josh at agad na binawi ko ang tingin ng makita kong nakatingin din siya sa amin.

'What the hell. Damn it!'

Hindi na lang sana ako lumingon.

"Marj oh."

Agad kong sinalo ang inihagis ni Daisuke na mineral water. Friends na kami, I mean not that close pero okay na kami. Lagi kasi siyang nakatambay sa apartment nila ate Julie kaya naman lagi rin namin siyang nakakasama.

"Mamayang hapon, hindi na ako babalik."

"Huh? Bakit?"

"Mag-aayos pa ako eh." Ate Julie reasoned out.

"6 pa naman ang start ng Party eh, kaya kahit pumunta tayo mamaya hindi pa rin tayo malelate." kunot noo kong saad.

"Mag-aayos pa ako eh. Ikaw Mill?" baling niya kay ate Cams.

"Hindi na rin ako babalik mamaya."

"Okay. Edi hindi na rin ako babalik."

'Damay-damay na 'to. Ayaw ko namang ma-OP.'

Wala si kuya Aynn, hindi rin siya makakaattend ng Acquaintance party. His grandfather just passed away.

Matapos ang ilang oras ay umalis na kami. Agad akong natulog ng marating ko ang boarding house. Ni hindi pa nga ako nakakabawi ng tulog dahil sa Exam, idagdag pang hindi ako makafocus ng dahil sa kanya.

YOUNG LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon