CHAPTER 19

33 2 0
                                        

Inaya niya akong bumalik sa school. Sabi niya manood raw kami ng banda, pumayag naman ako.

HHWW yung peg namin ng umakyat kami sa hagdan. Kinantyawan pa nga kami ng mga kakilala niya eh but dinedma lang namin.

Akala ko magkasama kami eh, pero ang nangyari binitawan niya ang kamay ko. May intermission kasi yung senior high kaya pumwesto siya malayo sa akin at malapit sa mga nagsasayaw. Nasa magkabilang dulo kami.

May kausap siyang senior high, samantalang ako out of place na out of place.

Nakita ako ni Denisse, isa siyang HRS student.

"Josh behave, diba Marj?" she said out of nowhere.

Ngumiti lang ako.

Ayon na naman ang pakiramdam na gusto ko ng umuwi. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam, ayaw kong makisalamuha sa mga taong wala ni isa akong kaclose. Kaya ayaw na ayaw ko ng maraming tao eh.

Nang matapos yung intermission ay inilang-hakbang niya ang pagitan namin saka niya ako hinila papasok sa room nila.

Alam kong nakakuha kami ng atensyon pero parang wala lang 'yon sa kanya.

Pagpasok namin sa loob, napatingin sa amin si Billy - isang CCE student. Halos kilala ko ang lahat ng mga tertiary but then hindi naman kasi ako mahilig maunang mag-approach eh.

Yung mga tingin niya parang nanunukso eh.

Pinaupo ako ni Josh sa isang upuan, ilang silya ang layo sa pwesto ni Billy. Humila naman siya ng isang upuan para sa kanya.

Hinawakan niya ang mga kamay ko saka ikinulong sa mga kamay niya. Napatingin ako sa pinto, nakabukas pa naman tapos nakatingin sa amin yung mga IT saka ilang CCE students.

Hindi pa siya nakontento sa paghawak at hinalikan niya pa 'yon.

'kuuhhh, ang lalakeng ito.'

Titig na titig siya dahilan para ma-intimidate ako at mapayuko na lang.

Nang marinig niya na nagsimula ng tumugtog ang banda ay nakangiti siyang tumayo habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Tara, let's dance," saka niya ako hinila papuntang dance floor. Marami na rin ang sumasayaw, sumasabay sa tugtog ng banda.

"Woi teka, hindi ako marunong sumayaw."

"Let's go Maggie," sumayaw nga siya habang hawak pa rin ang kamay ko.

Napapangiti ako sa ginagawa niya pero ayaw ko pa ring sumayaw. Parehong kaliwa ang mga paa ko at baka mapahiya lang siya.

Nang hindi niya talaga ako napilit na sumayaw ay niyakap niya na lang ako. Rock ang kanta, pero yung sayaw namin pang slow.

"Yiieeee..."

Ayan na naman ang iritan ng mga taong nakapaligid sa amin.

Nang matapos ang kanta ay hinila niya na naman ako papuntang Office ni Sir Ephy. Sa wakas nakita ko rin si Kuya Aynn.

Silang dalawa lang sa loob ni Windelyn.

"Yiieeee, Marj ha."

"Kuya Aynn naman," Pero tawa lang ang sagot niya.

Magkatabi kaming naupo ni Josh.

"Picture nga kayong dalawa,"

"Sure,"

Inakbayan ako ni Josh tapos tumingin kami sa camera.

"Isa pa."

"Josh, kiss mo Si Marj sa cheeks," natatawang sabi ni Kuya Aynn.

Alam kong nagjojoke lang si Kuya Aynn pero dahil ang boyfriend ko ay go ng go kaya ginawa niya rin.

"Ayieee..." kuro ng dalawa.

Natawa na lang ako sa reaksyon nila. Hindi na kami lumabas pa hanggang matapos ang tugtog ng banda.

"Guys, tara let's clean na," Ate MJ said when she enter the Office.

Sumunod kami sa kanya at nagsimulang linisin ang buong lugar.

Alas-onse na ng gabi ng magpaalam sa akin si Josh na uuwi na siya. Sinundo kasi siya ng Mommy niya. Hindi pa rin kasi tumitila ang ulan.

Naiwan kami nila Kuya Aynn.

Hindi kami nakauwi dahil wala kaming masakyan.  May kalayuan ang paaralan namin at kabihasnan pa ang daanan papunta dito.

Panay text sa akin ni Josh. Magkatext kami at magkausap sa phone. Hindi raw siya matutulog hangga't hindi niya nasisiguradong makakauwi ako ng ligtas.

'ang kulitttt.'

Nakatulog rin siya bandang alas tres ng madaling araw kaya lumabas ako at nakijoin sa pag-uusap nila ate MJ.

"Marj,"

"hmm?"

"Maswerte ka kay Josh,"

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin.

"Talaga?"

"Oo, kasi noong nakaraan sabi niya hindi ka raw niya iistorbohin kasi may OJT ka at gusto niyang magfocus ka doon."

"Kumbaga,  napaka-understanding ni Josh," nakangiting sabi ni Windelyn.

"Understanding?" napakibit-balikat na lamang ako.

'talaga ba?'

"Oo, bakit hindi ba understanding si Josh?"

"Siguro,"

Ayaw kong magkomento at baka magkamali lang ako.

"Alam mong si Josh ay palakaibigan diba?"

Tango nag naging sagot ko sa tanong ni ate Mj.

"Iyon rin siguro ang dahilan kaya sila naghiwalay ng mga ex's niya,"

Hindi ako umimik. Hindi ako sumagot.

"Noong Alay Lakad, nagalit ako sa kanya noon," patuloy niya.

'hindi pa man niya tapos ang sasabihin ay agad kong nahulaan kung ano iyon,'

"Nakita mo diba Marj? Nakita mo noong may inakbayan siyang babae,"

Dahan-dahan akong tumango. Parang maluluha na naman ako sa sakit. Bumabalik sa akin kung gaano kasakit ang ginawa niyang 'yon.

"Ikaw agad ang hinanap ko kasi alam kong nasa likuran ka lang. Hindi ko rin alam kung bakit ginawa 'yon ni Josh kahit na alam niyang pwede mo iyong makita. Pero Marj, ganyan lang si Josh pero maniwala ka seryoso siya sa'yo,"

Ngumiti lang ako sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na masakit yung ginawa niya pero ano bang magagawa ko eh siya ang gusto ng puso ko. Na kahit durugin niya ito sa maliliit na piraso siya at siya pa rin ang mamahalin ng bawat piraso nito.

Alas singko na ng umaga ng makauwi kami. Nilibre nga lang ako ni Kuya Aynn ng pamasahe pauwi.

Agad na nagtext si Josh sa akin ng makauwi ako sa boarding house.

'ang aga namang magising  ng isang 'to?'

Panay ang tanong niya kung nakauwi na ba ako.

From Josh Mulder:

You sleep again, I know you didn't sleep well last night.

Hindi na ako nakipagtalo pa. Ang totoo pagod na pagod ang katawan ko maging ang isip ko.

Hindi kami nagkaroon ng Christmas break kasi nga OJT kami eh. Lumipas ang Pasko at New Year na palagi kaming magkausap ni Josh. Masaya na ako sa gano'n. Kumpleto na ang araw na makausap ko lang siya sa isang araw.

YOUNG LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon