CHAPTER 20

20 2 0
                                    

JANUARY 5, 2017

"Ate bilisan mo! Baka umalis na sila eh!" napapadyak ako sa sobrang frustration.

"Ang OA mo talaga. Hindi ba at sinabi nga ni ate Sonia na 7 pm pa ang alis ng barko nila?" halos magkandarapa siya sa pagbaba mula sa batuhang daanan papuntang zipline.

Umupo ako sa isang bato doon saka nagsimulang magbunot ng maliliit na damo.

"Eh hindi naman kasi sigurado si Ate Sonia diba? Baka maagang umalis yung barko eh," ngumuso pa ako saka nagpatuloy sa pagpadyak ng mga paa.

Halos tumalon ako sa tuwa ng tuluyan na siyang makababa mula sa mga batuhan.

Panay ang sulyap ko sa suot kong relo habang nasa biyahe kami papuntang Maguinoo Port.

Agad na sinalubong kami ni Kuya Boyet na nasa registration area ng terminal.

"Kuya? Nakaalis na sila?" panay pa ang linga ko sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong may iba pang mga senior high na kararating pa lamang.

"Nasa waiting area sila Marj, puntahan mo na lang,"

"Eh?"

Mula sa salaming wall na ay nakikita ko ang napakaraming senior high na panay ang pag-uusap, selfie at kung ano-ano pa.

"Hindi na. Ayoko namang gumawa ng eksena diyan sa loob noh." umupo ako sa isang parihabang upuan na gawa sa metal.

"Sige na puntahan mo na Marj," pamimilit sa akin ni Ate Sonia.

Ngumuso ako. "Nahihiya ako eh,"

Kinuha ko mula sa bulsa ko ang cellphone ko saka nagsimulang tumipa ng mensahe para kay Josh.

To Josh Mulder:

Woi, panda andito na ako.

Hinintay ko ang reply niya pero wala. Hindi ko naman siya makita kasi nasa unahan raw siya at semento na ang wall doon.

Ngayon ang alis nila papuntang Cebu. Every year kasi our school has this so called "NYC or National Youth Convention" which is always in Cebu. All first year students are mandatorily need to attend this Convention but since the K-12 program was implemented then all the Grade-11 will attend the convention instead.

Ang alam ko hanggang January 8 sila sa Cebu. Ilang araw ko siyang di makikita.

"Kambal?" napalingon ako ng may tumawag sa akin. Nagmamadaling tumakbo palapit sa akin Si Sheila saka siya yumakap.

"Ayyy, namiss mo ko agad?" biro ko sa kanya.

"Haha, anong ginagawa mo dito?" umupo siya sa tabi ko.

"Hmm," inginuso ko sila ate Sonia na busy sa may registration area.

"Nasa bandang unahan sila kuya Josh."

"Hmm, kaya nga eh. Pero tinext ko na siya,"

"Napakasupportive naman ng kambal ko,"

"Ayts, bolera ka talaga,"

"Gusto mo tawagin ko si Kuya Josh?" alok niya.

"Huwag na, sabi mo nasa unahan siya diba? Hayaan mo na. Nagtext na ako, nasa sa kanya na kung pupunta siya o hindi."

"Speaking of Kuya Josh, tingnan mo," ngumuso siya sa glass wall at nakita ko naman si Josh na palabas na.

"Sige bal, alis muna ako," she waved at me and lead her feet towards the door.

YOUNG LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon