CHAPTER 26

14 1 0
                                    

FEBRUARY 13, 2017

Malakas ang kabog ng dibdib ko ng marating namin ang lobby. Bukas na ang valentine's day kaya naman todo-todo na ang paghahanda ng mga officers - naming mga officers actually.

Hindi ko siya nakita sa lobby kaya naman ay dumiretso ako sa veranda. Ang totoo, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.  Kagabi kasi ay nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan and well, nakatulugan namin ang away at hindi na nagawang ayusin pa.

"Maggie!" napahawak ako sa dibdib ko ng gulatin ako ni ate Julie.

"Ano ba ate!" napanguso ako.

'wengya naman oh, buti na lang talaga at wala akong sakit sa puso,'

"Tulaley ka eh, ano bang iniisip mo dyan?"

"Wala,"

"Totoo?"

"Oo nga,"

"Oh, andito na si Josh,"

Napatigil ako at napatingin sa lalakeng dahilan kung bakit lagi na lang malakas ang tibok ng dibdib ko. Nakangiti siya, as in yung genuine na ngiti pero hindi ko alam kung bakit hindi ko 'yon magawang suklian.  Muli kong ibinalik sa mga tanawin mula sa veranda ang aking paningin. Alam kong napakabata ko pa para sa mga seryosong relasyon at hindi ko pa alam kung paano maghandle ng tama. Nagalit ah hindi, nagtampo ako sa kanya dahil sinabihan niya akong huwag ng makialam pa and so I was hurt, I was hurt big time.

"Exit muna ako," Lumabas si ate Julie saka niya isinarado ang sliding glass na pinto. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang kamay sa bewang ko.

"You are way too serious," tinitigan ko lang siya saka hindi nagsalita.

"Maggie i--" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng magkagulo sa lobby.

Sabay kaming napalingon doon. Pumasok siyang muli sa lobby samantalang lumapit naman ako kay ate Julie na nasa may gilid na ng sliding na pinto ng veranda.

"Anong meron ate?" tanong ko.

"Mama ni Josh?" ng humupa ang madla saka ko lamang nakita ang mama nga ni Josh na nakaupo sa picture booth. Nagpapicture siya doon. Yung mama ni Josh, halos lahat ng estudyante ay mga kaibigan niya. Matulungin kasi siyang tao, likas siyang mabait. Katulad na lang no'n damit namin para sa commissioning, siya ang gumastos, bumili at nagpaprint.

Pagkatapos niyang magpapicture ay lumapit siya sa anak niya at hinalikan ito sa pisngi.

'such a sweet view,'

Pabalik na sana ako sa veranda ng bigla na lamang akong hinawakan ni Josh sa kamay at pinaharap sa mama niya. Lalo pang mas lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita kong nakatingin sa amin ang mga tao at nag-aabang sa susunod na mangyayari.

"Ah, mom this is my girlfriend,"

"Ayyiiiee!"

Matamis akong ngumiti sa mama ni Josh.

"Hey, it's okay. Hindi naman ako nangangain eh, hahaha" napatawa ako ng tumawa siya. Napakadown to earth naman ng babaeng iri.

"Maggie magbless ka," rinig kong bulong ni ate Julie. Ngunit dahil sa hindi ko alam kung papaano ang tamang gawin ay inabot ko ang kamay niyang nakiki-pagshake hands.

"H-hello po,"

She smiled genuinely. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag ng makita kong kinausap na siya ni Ate MJ at iginiya papuntang cashier area.

YOUNG LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon